Sabi ni ate kapag tagalog yung tula mas may hugot kaya sige.
Mahal, gusto kong magsimula sa pagsabi ng salitang paalam.
Paalam sa lahat ng ating pinagsamahan,
Sa mga pagbati, pagngiti, mga kaunting sandali noong tayo pa'y mga batang walang alam, mga batang walang pakiaalam.
Paalam sa mga biruang hindi nakakatawa, sa mga kamustahan kahit ako lang naman yung nangangamusta.
Paalam sa mga pagkaway, paghintay, sa mga away na walang saysay at kung ano pang mga bagay-bagay bagay hindi tayo bagay kaya patawad mahal, patawad.
Sa mga pangalang tayo lang ang nagkakaintindihan, mga salitang pilit kong binitiwan, mga sandaling patago kang tinitignan, mga ala-alang hindi malimut-limutan. Mga ala-alang iniwan mo, noong iwanan mo ako.
Patawad kung nakakainis na, kung paulit ulit at hindi na kayang ulitulitin pa.
Patwad kung hindi ako, at hindi ko kayang maging yung gusto mo..
Patawad kung nanghihingi ako ng mga bagay na hindi mo kayang ibigay, kung akala ko eto ka pero hindi naman pala, kung nasaktan kita pero wag kang mag alala, nasaktan mo rin ako..
Alam ko, alam ko, na merong panahon nagkaroon ng pagkakataon na ikaw yung gusto ko at ako naman yng gusto mo, pero hindi na ngayon, dahil ayaw mo na at kailangan ayaw ko na din..
Dahil hindi na marinig kahit pinipilit pang dinggin at hindi na maintindihan kahit gustong intindihin pero ayaw mo na kaya dapat ayaw ko na din. Ayaw mo na kase meron ng iba..
Pasensya na kung anggulo, pasensya na kung ang tagal nito, kaya sige patawad, paalam, paalam nalang, paalam sa paglayo, at patawad sa paglapit paalam sa saya at patawad sa sakit..
Mahal, ayokong magtapos sa panghihingi ng tawad, pero patawadin mo ako para mapalaya na kita, palayain mo ako kasi hindi ko na kaya kasi ayaw mo na.
Pero mahal- hindi, hindi pala mahal, kase hindi mo ako mahal at dapat ganun din ako. Kaya sige sayo, sayo sayo patawad, patawarin mo ako mah-- sayo, paalam paalam hanggang sa muli...
Ito na yata ang pinaka malinis na tula na nasulat ko sa papel nato kaya sige ibahin natin sige, parumihin natin bura, ba't magpapaalam pa kung umalis ka nalang bigla bura hindi ako yung babaeng nanghihingi ng tawad bura hindi ako manghihingi ng tawad sayo bura hindi kita mahal, hindi kita minahal bura wala na kong pake kung ayaw mo na o gusto paba, wala na kong pake kung nasasaktan kana hindi ako nag aalala bura hindi kita mahal hindi kita minahal ginusto lang kita kaya sige isulat nating muli.
Mahal nung hinanap kita dumating sya akala ko yun na yon. Yoon ang pinakamalaking pagkakamali na aking ginawa ang hanapin ka sinta, sasabihin ko sayo to, hindi ko sya hindi mahal dahil hindi nya ako mahal kung di dahil sya't ikaw ay magkaibangg magkaiba. Hindi ko sya hindi mahal dahil hindi nya ako mahal kundi dahil hinanap ko sya kahit alam kong darating ka, alam kong darating ka kase hiningi na kita, hanggang ngayon, hanggang ngayon hinihingi parin kita, kaya pag dumating ka, hanapin mo ako bilang ang tamang tao sa tamang oras para alam kong yun na yon. Hanapin mo ako at mahalin sa paraang alam nating dalawa, ang pagmamahal na hindi na muling magkakamali pa.
BINABASA MO ANG
It's All About You Baby
Ficção AdolescenteWritten by an unprofessional impulsive lady for her grade 8 sweetheart.