Kayo

43 2 1
                                    

Makukuntento nalang akong panuodin ka, panuodin kang pinapanuod sya.

Nakakatawang isipin na ang dating TAYO ay napalitan na ng masayang KAYO

Pero ano nga bang magagawa ko? Paulit-ulit ko na lamang babalikan ang ala-alang tayo.

Marahil ay masaya ka,

Masaya kayong nagmamahalan na dalawa.

Yung pinangako nating hanggang dulo?

Hahaha wag kang mag-alala ihahatid ko pa kayo.

Sana sa paglipas ng panahon,

Ako’y tuluyan ng makaahon,

Makaahon sa pangako at ala-alang pilit akong binabaon.

Yung sakit? Mawawala din to.

Yung pait? Mawawala din to.

Kaso hindi ‘sing bilis ng pag-iwan mo.

Noong tinanong kita kung ano ang mas gusto mo,

Ang mapag-isa o may kasama?

Ang sabi mo’y mas gusto mo ng may kasama, yung kasama sya.

Ngunit ako? Gusto kong mapag-isa,

Mapag-isang muli ang puso nating dalawa.

It's All About You BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon