Siguro nga (Poem)

188 2 0
                                    

Marami ng nagbago,
Hindi kana akin pero sayo padin ako.

Marami ng nagbago,
Mahal na kita pero wala na sayo.

Siguro nga nakahanap ka na ng iba,
Yung mas pahahalagahan ka.

Di tulad ko na, walang ibang ginawa kundi ang saktan ka.

Mahal na kita, pero hindi mo na kailangan pa,
Mahal na kita, pero nararamdaman mo saki'y wala na.

Kay bilis namang nawala
Daig pa ang isang bula.

Siguro nga'y walang naramdaman
Siguro nga'y wala...
Pilitin ko mang limutin ka
Pagpipilit ko'y kulang pa.

Dahil ramdam ko padin sinta
Na ikaw lang at wala ng iba.

Mga alaala, ay magiging alaala nalang.
Bawat ngiti, bawat tawa ay alaala nalang.

Siguro ngay nagsawa na.
Siguro ngay pagod na.

Ngunit, pipilitin kong intindihan ka.
Pipilitin kong tanggapin na hindi na,
Hindi na ako yung taong magpapagulo sa iyong sistema.
Hindi na ako yung taong iisipin mo sa tanghali, gabi at umaga.

Isa akong dakilang inutil.
Isa ring bobo marahil.
Dahil kung kelan wala kana,
Doon ko lamang nakita ang iyong halaga.

Siguro nga'y wala nang pakielam,
Ako'y tuluyan ng kinalimutan.

Siguro nga'y dapat nalang tanggapin,
Tanggapin na hindi kana sakin.
Siguro nga..

It's All About You BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon