MENUDO AT ADOBO

92 4 1
                                    

//Author's Note:

Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo

Bago mo hatulan, katkatin at liko,

Pasuriin muna ang liwasa't hulo

At makikilalang malinaw at wasto

        -Francisco 'Balagtas' Baltazar

//End of Author's note.

-*-
MENUDO AT ADOBO

Meron kaming ulam. Menudo.

Paborito ko ang menudo. Sa lahat ng ulam, menudo ang pinaka gusto ko.

Isang araw, nagluto si nanay ng menudo. Kaya naman tuwang-tuwa ako.

Mula umaga, tanghali at hanggang gabi menudo ang inulam namin.

Kaya naman hindi ko mapigilan ang aking kaligayahan tuwing kumakain. Tila nakalimutan ko na nga ang pagdi-diyeta ko.

Ilang araw na naming ulam ang menudo.

Sa paulit-ulit, ulit, ulit na pagkain namin ng menudo ay tila nararamdaman ko na ang pagka-umay.

Pero sabi nga nila, 'Makuntento ka sa kung anong meron ka'

Hindi ko akalaing dadating ang araw na pagsasawaan ko ang ulam na gustong gusto ko.

Ikaw ba naman? Sa paulit-ulit na pagkain nito hindi kaba magsasawa?

Nakakasawa..

Nakakaumay..

Mga salitang tumatakbo sa isip ko noong isang gabing kumakain kami ng hapunan.

Kinabukasan, dumating ang aking tiyahin.

Dumating siyang may dalang isang lalagyan.

Adobo.

Tila nagdiwang ang aking kalooban noong makita ko ang dalang ulam ng aking tiyahin.

Ulam na sakto lamang saming pamilya para sa tanghalia't hapunan.

Kaya't kumain kami ng adobo ang ulam.

Tila isinantabi ang paborito kong menudo.

Aking iniisip na, ayos lamang kung mauubos ang adobo ng mabilis sapagkat nandyan pa naman yung paborito kong menudo.

Ang bilis lamang naubos ng adobo. Palibhasa'y konti lang.

Kinabukasan habang kami'y kumakain, ako'y nagtaka subalit hindi na menudo ang aming ulam.

Nakakapagtaka subalit madami pa namang menudo ang natira.

Inaasahan kong kapag naubos ang adobo'y mayroon pang menudo na maaari naming ulamin.

"Nay, nasaan naho ang natirang menudo?" Tanong ko sa aking nanay.

"Ay anak eh napanis na ang menudo. Wala na. Ubos na" Aniya.

'Wala na. Ubos na'

'Wala na. Ubos na'

'Wala na. Ubos na'

'Wala na. Ubos na'

Salitang paulit-ulit kong narinig sa aking isipan.

Wala na. Ubos na. Akala ko panaman ay nariyan lamang ang menudo kapag naubos na ang adobo.

Ang paborito kong menudo.

Hindi ko lubos na maisip na wala nang menudong natira.

Ngayon ko lamang napag-isip isip ang kaligayahan na aking nadarama tuwing kinakain ko ito.

Ngayon ko lamang nalaman ang kanyang halaga.

Ngayon ko lamang napagtantong kahit ano pang ulam ang aking kainin, menudo padin ang aking paborito.

Nagsisisi akong isinantabi ko ang menudong paborito ko.

Nagsisisi akong pinagsawaan ko ito.

Sobrang nagsisisi ako.

Subalit ano pa nga ba ang aking magagawa?

Wala ng menudo.

Wala na ang paborito kong ulam.

Wala na.

Tama nga sila...

'Malalaman mo lamang ang halaga ng isang bagay kung ito'y wala na sa iyo'

It's All About You BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon