Gagawa ako ng tula
Hanggang sa maubos lahat ng salita
Hanggang sa matuyo lahat ng luha
Hanggang sa pagmamahal sayoy mawala
Dahil hindi ko na kaya mahal
Mahal, unti unti akong sinasakal
Nanunuot lahat ng sakit
Kumakalat ang pait
Aaminin ko may kasalanan ako
Subalit sapat bayun para akoy sukuan mo?
Mahal? Minahal mo ba talaga ako?
Kasi kung mahal mo ako hindi mangyayari sa atin to
Ang hirap hirap tanggapin
Yung sa sobrang hirap hindi na halos ako makakakain
Anong sabi mo? Ika'y sinaktan ko?
Mahal naman! Hinanap ko lang yung sarili ko!
Mahal limang araw lang! Tangina pano mo nagawang itapon lahat?
Limang araw lang!
Limang araw kong tiniis na hindi ka kausapin,
Limang araw kong dinama lahat ng pananakit mo sa akin.
Sabi mo gagawa ka ng paraan para magkaayos tayo?
Subalit bakit ika'y nanawa at biglang nagbago?
Totoong ngang bilog ang mundo
At ang ihip ng hangi'y biglang nagbago
Hindi ko ugaling maghabol at magmakaawa
Pero para sayo uugaliin ko mahal!
Mahal kita e. Minamahal kita. Mahal na mahal.
Pero mahal nakakapagod din palang mag mahal ng taong hindi ka naman talaga mahal.
Kaya sa mga oras nato?
Susuko narin ako.
Bibitawan ko narin lahat ng pangako
Pipiglas nako sa pag asang magkakabalikan pa tayo
Tutal sya naman talaga at hindi ako
Tuwing sasapit ang 11:11 hindi ko na hihilinging magtagal tayo
Hindi ko na hihilinging bumalik ang dating tayo
Hindi ko na hihilinging mahalin moko ng totoo
Hindi ko na hihilingin hindi dahil sa pagod na ako
Kundi dahil pagod kana
Kayat hihilingin ko nalang na ikay maging masaya
Maging masaya kayong dalawa
Kayong dalawa na pangarap mo naman talaga nuon pa
At nakiepal lang ako dahil sa kanya ka naman talaga masaya
Mahal alam ko magagawa ko ding ituring ka na nakaraan
Alam ko dadating ang araw na hindi ko na kailangang masaktan
Hindi ko na kailangang umiyak tuwing naaalala kita
Hindi man ngayon pero magagawa ko din yun sinta
BINABASA MO ANG
It's All About You Baby
Teen FictionWritten by an unprofessional impulsive lady for her grade 8 sweetheart.