Ang lapit pero bakit parang ang layo?
Abot kamay ngunit ba't kailangang ika'y habulin ko?
Hindi kita maintindihan,
Ang sabi mo noon walang iwanan,
'Na kapag napagod magpapahinga lang,
Ngunit bakit sinukuan mo na ang laban?
Sabi mo sa kanila ako'y mahal pa ngunit ika'y pagod na,
Kaya't sinubukan kong lumaban pero meron kana palang sya.
Nakakapanghina, nakakapanlambot,
Mga ala alang pilit kong iniingatan iyo na palang nilimot.
Susubukan ko na lamang ngumiti,
Yung ngiting parang masaya at 'di nagdadalamhati.
Makikitawa kapag kayong dalawa'y tinutukso,
At iiyak na lamang kapag mag-isa sa kwarto.
Parang akong tanga,
Nangangarap nanaman na makasama ka,
Kailan ko ba maiintindihan ang salitang hinto?
Ay, ewan ko.
BINABASA MO ANG
It's All About You Baby
Teen FictionWritten by an unprofessional impulsive lady for her grade 8 sweetheart.