Hey guys!
Eto na yung first chapter. Sana magustuhan ninyo. Tell me what you think and I'll post the next chapter as soon as I can!!
- Roberta Lou
================================================================================
"WHAT in the world am I doing?" wala sa sariling naitanong ni Isabel sa sarili. Napailing siya at sinundan pa niya iyon nang malalim na buntong hininga. Ano nga ba talaga ang ginagawa niya?
Awtomatikong napalingon siya sa backseat ng kotseng minamaneho niya and she wasn't able to suppress a smile when she saw her two angels sound asleep. Her fraternal twins, Santiago and Luisa, are both clueless of the dilemma that she is currently in. Or for the past six years to be exact.
Yes. It was exactly six years since she left San Martin, the place that they are all headed to at that moment. Ang lugar na inakala niyang hinding-hindi na niya makikita at babalikan pa. Ang lugar na marahil ay parte na ng kanyang pagkatao kahit ano pa ang gawin niya. Ang lugar kung saan nangyari ang mga pinakamasasaya at pinakamahahalagang moments ng buhay niya. Ang lugar kung saan siya ipinanganak, nagkaisip, nag-aral at unang umibig.
Ang lugar kung saan una rin niyang naramdaman ang sakit na dulot ng pag-ibig na walang katugon. Ang parehong lugar na nagbigay sakanya ng sugat na hanggang ngayon ay hindi naghilom at marahil ay hinding-hindi na maghihilom pa. Ang lugar na kung makikita niyang muli ay magpapabalik lamang ng mga alaalang pilit pero hindi niya nagawang kalimutan sa mga nakaraang taon. Ang maliit na bayan ng San Martin.
So why in the hell is she going back there anyway?
'Because you are going to sell the land that you inherited from your parents' paalala niya sa sarili. 'So this is all business, Isabel. Wala kang ibang gagawin kundi ang makipagkita sa buyer ng lupang iyon, close the deal and walk out of that godforsaken place once and for all' dugtong pa ng isang banda ng utak niya.
Ipinilig niya ang ulo at pilit na kinalma ang sarili. Wala siyang dapat na ipag-alala dahil yun lang naman talaga ang pakay niya sa pagpunta sa San Martin. Ang maibenta ang lupang minana niya sa mga magulang para tuluyan na siyang mawalan ng koneksyon sa lugar na yun. Para hindi na niya kailanganin pang bumalik doon kahit na kailan.
Kung iisipin ay hindi naman mismo ang San Martin ang iniiwasan niya. She loved that place and she had beautiful memories there. It was a certain person who lives, or more like, "reigns" there that she was avoiding to see.
Or any person related to him in any way.
Or any person in San Martin for that matter, dahil hindi pwedeng malaman ng kahit na sino sa San Martin ang lihim na anim na taon niyang itinago.
She knew that when her secret was revealed to even a single person in San Martin, hindi lilipas ang isang oras at malalaman yun ng taong pinagtaguan niya for six long years. That's how powerful and influential that person and his family are. Ang taong dahilan ng lahat. Ang taong kinamuhian niya mula nang...
Mariing ipinikit ni Isabel ang mga mata nya. She would not reminisce. She would not acknowledge the pain that she has been trying to get used to for the past years. Not anymore.
Kailangan muna niyang magconcentrate para mapag-isipang mabuti kung paano sila makakapasok at makakalabas ng San Martin ng mga anak niya nang walang makakaalam o walang makakapansin.
Kung hindi lang sana nagkabulutong si Mary Ann, ang kaisa-isang babysitter na pinagkakatiwalaan niya, ay hinding-hindi niya isasama ang kambal sa trip na ito. Bihira niyang isama sa mga business trips ang kambal kahit pa noong nasa Greece pa sila.
Isabella Andrea Ruiz has already made a name for herself in the restaurant business, both in Greece and in the Philippines. She owns a total of five branches of her restaurant, dalawa sa Greece at tatlo sa Pilipinas.
Kapag nagpatuloy ang tagumpay ng ikatlong branch ng Angela's sa Pilipinas, baka magpatayo na rin siya ng isa pang branch sa Hongkong. Totoong malayo na ang narating niya for a simple landowner's daughter.
Kung tutuusin ay ibang-iba na siya sa dating Isabel na walang ibang alam kundi ang mangabayo at magliwaliw sa San Martin. Marahil ay nag-iba na rin ang mga tao sa San Martin. Who knows, baka wala na ngang makakilala sakanya doon. Baka nga kahit maglakad-lakad pa sila ng mga anak niya sa bayan ay mapagkamalan lang silang mga turista ng mga tao.
Marahang tumango-tango si Isabel sa sarili. Maybe she was just worrying too much. Baka nga masyadong busy sa pagpapayaman ang mga taong iniiwasan niya para mapansin ng mga ito ang pansamantalang pagbabalik niya sa San Martin. Baka nga makaalis na sila doon ay wala man lang makapansin na bumalik siya.
Sandaling napayapa ang isipan ni Isabel sa mga isiping iyon. Pero bakit ganun? Bakit parang may isang parte ng pagkatao niya ang nagsusumigaw na iliko niya ang sasakyan at bumalik na sila ng kambal sa Maynila? Sa lugar kung saan ligtas ang lihim niya. Ang lugar kung saan malayo siya sa mga taong iniiwasan niya at sa mga alaalang ayaw na niyang balikan pa.
Pero bago pa niya magawang sundin ang isang parteng iyon ng pagkatao niya ay namalayan na lamang niyang papasok na sila sa welcome sign ng San Martin. She heaved a sigh. It was now or never.
Isabel stepped on the accelerator.
"SHE'S on her way here, Mr. Sebastian" pagbibigay-impormasyon ng isang patpating lalaki sakanyang amo na kasalukuyang nakatayo paharap sa floor to ceiling glass window sa malawak nitong opisina.
Bagamat hindi nakikita ng sekretarya ang mukha ng amo ay alam niyang ngumiti ito nang mapait. A smile of a predator smelling the fresh blood of its prey. Nakita niyang inamoy ng matipuno at mestisong si Alexander Sebastian ang mamahaling alak sa mamahalin din nitong wine glass.
"About time" maikling pakli nito matapos ilapag ang bahagyang nainumang baso sa mesa nito.
His boss oozed authority and ruthlessness. Hindi maitatangging isa na ito sa mga pinakamayaman na bachelor sa bansa, not to mention, the most handsome.
Sa tangkad nitong 6'4" at matikas nitong katawan, madaling isipin na ibang lahi ito. Ito ang tipo ng lalaki na kinaiingitan at pinapangarap na maging ng mga kagaya niya na staff lamang ng mga kompanyang kagaya ng Sebastian Group of Companies.
"I hope she's not alone" saad ni Alexander Sebastian in his baritone voice.
"Apparently, she's not, Sir. She's with her two—"
"Good" putol nito sa sasabihin pa sana ng sekretarya. Sa totoo lang ay naiintriga na rin siya sa babaeng ilang buwan na ring pinapasundan ng amo niya. Yun nga lang ay wala siya sa lugar para magtanong. He was just here to do Alexander Sebastian's bidding.
"You can leave now, Patrick" utos nito na mabilis namang sinunod ng sekretarya.
================================================================================
Don't forget to leave your comments and suggestions. Thank you!!
- Roberta Lou
BINABASA MO ANG
Until You Love Me Again
RomanceWARNING: This story has mature content is not advisable for young readers. Read at your own risk! Since birth, they were best of friends. Ten years ago, she loved him secretly. Six years ago, they made love. Or so she thought. Six years ago, he brok...