================================================================================
"STAY away from them. Stay away from us" simula ni Isabel pagkatapos ng paghugot niya ng malalim na hininga. Yun naman talaga ang gusto niyang sabihin kay Alexander at mabuti nang maging straightforward siya bago pa ito magkabuo ng pantasya sa utak nito na iwewelcome niya ito sa buhay nilang mag-iina.
"You know I can't do that, right?" sagot ni Alexander sa kalmadong tinig na sinabayan nito ng pag-upo sa malaking swivel chair nito. He leaned back and looked at her intently. She squared her jaw. Hinding-hindi siya magpapatalo sa mga tingin nito.
"Of course you can" walang emosyong sagot niya dito. "Anim na taon kang wala sa buhay nina Luisa at Santiago at walang problema sakanilang dalawa. They don't need you" dugtong pa niya at nakita niya kung paano kumuyom ang kamao ni Alexander sa ibabaw ng mesa nito.
"Yes. Six years, Isabel. Anim na taon akong wala sa buhay ng mga anak ko. And is that my fault?" tanong nito. "Sino ba ang hindi nagsabi saakin ng totoo? Sino ang simula pa lang ay tinanggalan na ako ng karapatan na malaman ang katotohanan? Hindi ba ikaw?" dugtong pa nito.
Tumayo si Alexander mula sa pagkakaupo and it was hard not to be intimidated by him when he's standing in all his six feet that Isabel felt like she was up against a giant.
Pakiramdam niya ay nangangatog na ang mga tuhod niya pero ikinuyom niya ang mga kamay niya para hindi siya tuluyang matumba. Napalunok na lang siya nang lumapit si Alexander sakanya and in a blink of an eye, they were face to face.
"Tell me honestly, Isabel. Kailan mo sasabihin sakin ang totoo?" tanong nito sakanya.
"Never!" sigaw ng isang banda ng utak niya dahil yun naman talaga ang totoo. But she can't tell him that, can she?
"O baka naman mas tamang isipin na wala ka talagang balak na sabihin sakin na nagkaanak tayo?" tanong muli nito sakanya. There, he already said what she was thinking. "Tama ba ako, Isabel?" untag pa nito sakanya.
So ano ang gusto nitong palabasin? Na pagkatapos siyang iwan nito nang walang paalam, na pagkatapos nitong durugin at apakan ang pagmamahal niya dito, na pagkatapos ng lahat ng sama ng loob at pagkatapos ng lahat ng isinakripisyo niya ay kasalanan paniya ang lahat?
"Answer me, damn it!" sigaw ni Alexander at naramdaman niya ang mahigpit na hawak nito sa magkabilang braso niya. How dare him hurt her! Nandilim na ang paningin ni Isabel at itinulak niya ito palayo sakanya.
"Wag mo akong hawakan!" sigaw niya. "Sino ka para sumbatan ako? Yan ba ang gusto mo ha? Ang magsumbatan tayo?" tanong niya at nang hindi ito sumagot o gumalaw man lang ay ipinagpatuloy niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.
"Pwes nasan ka nung kailangan kita?! Nasan ka nung mga panahong mag-isa ako? Nasan ka nung mga panahong nagsusuka ako at hindi ko alam ang gagawin ko? Nasan ka nung mga panahong mag-isa akong lumalabas ng bahay kahit dis oras ng gabi para lang makakain ng pinaglilihian ko?" sigaw pa niya at kitang-kita niya ang pagguhit ng kung anong emosyon sa mukha ni Alexander pero hindi pa siya tapos.
"Nasan ka nung halos ikamatay ko ang panganganak sa kambal? Nasan ka nung mga panahong pinapalaki ko sila habang nagkakandakuba ako sa trabaho?" dugtong pa niya.
"Wala ka sa tabi ko. Wala ka kasi iniwan mo ako. Iniwan mo ako na parang wala akong halaga sayo noon at ngayong nalaman mo na nagkaanak tayo kung makapagsalita ka parang wala kang pagkukulang?" dagdag niya at wala sa sariling napaupo siyang muli sa couch.
Ramdam niya ang panghihina at pinilit niyang kalmahin ang sarili and it was only then that she realized that she was crying. Kung hindi lang makikita ni Alexander ay binatukan na sana niya ang sarili niya. How could she have shown weakness in front of this man?
"Isabel" narinig niyang saad ni Alexander at ngayon niya lang napansin na nakaluhod ito sa sahig sa tapat niya and he was looking at her with tenderness in his eyes.
Hold on. Tenderness in Alexander's eyes? Malamang na nagkakamali lang siya. Para maiwasan ang mga tingin na ipinupukol sakanya ni Alexander ay pinahid niya ang luha sakanyang mga mata pero hinawakan nito ang mga kamay niya.
"Nakalimutan ko kung gaano kahirap na makita kang umiiyak ng ganyan" Alexander murmured.
Nag-angat siya ng tingin dito and Alexander wiped her tears himself. He then held her face in his hands and looked at her as if she's the only thing he sees. It was exactly how he looked at her the night they made love.
'Had sex, Isabel. You had sex!' the stubborn part of her screamed. Kasabay nito ay kumawala siya kay Alexander at tumayo siya mula sa pagkakaupo. Naramdaman niyang tumayo rin si Alexander. Humugot siya nang malalim na hininga at humarap siya dito.
"I just can't let you take them away from me, Alexander" she said with resignation in her voice. "Sila na lang ang meron ako" dugtong pa niya bago siya walang lingon-likod na umalis sa opisina nito.
================================================================================
BINABASA MO ANG
Until You Love Me Again
RomansaWARNING: This story has mature content is not advisable for young readers. Read at your own risk! Since birth, they were best of friends. Ten years ago, she loved him secretly. Six years ago, they made love. Or so she thought. Six years ago, he brok...