Chapter Seven

11 0 0
                                    

================================================================================


ILANG sandali ring hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya si Alexander. Parang paulit-ulit sa utak niya ang mga sinabi ni Isabel at hindi mawala sa isip niya ang imahe nito na umiiyak.

Noon pa man ay hindi na niya gusto na nakikita itong umiiyak. Hindi nga ba at ilang dosenang panyo na yata ang naipahiram niya at hindi na naibalik sakanya ni Isabel dahil sa madalas nitong pag-iyak noon.

It has been six years pero walang nag-iba sa nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang umiiyak ito. It still left a gaping hole in his heart. Cheezy pakinggan pero iyon lang ang description na malapit sa pangit na pakiramdam niya sa tuwing umiiyak ito.

If anything, mas lumala yata ang sakit na naramdaman niya ng mga oras na yun, knowing that he was the reason why she cried. Wala sa sariling kumuyom ang mga kamao niya nang bumalik sa utak niya ang mga sinabi nito kanina.

'Pwes nasan ka nung kailangan kita?! Nasan ka nung mga panahong mag-isa ako? Nasan ka nung mga panahong nagsusuka ako at hindi ko alam ang gagawin ko? Nasan ka nung mga panahong mag-isa akong lumalabas ng bahay kahit dis oras ng gabi para lang makakain ng pinaglilihian ko?'

'Nasan ka nung halos ikamatay ko ang panganganak sa kambal? Nasan ka nung mga panahong pinapalaki ko sila habang nagkakandakuba ako sa trabaho?'

'Wala ka sa tabi ko. Wala ka kasi iniwan mo ako. Iniwan mo ako na parang wala akong halaga sayo noon at ngayong nalaman mo na nagkaanak tayo kung makapagsalita ka parang wala kang pagkukulang?'

Wala sa sariling nasapo niya ang noo. Wala sa planong umaabot sila sa sigawan at sumbatan ni Isabel. Ang plano niya lang ay komprontahin ito ng mahinahon tungkol sa kambal at maipakilala siya sa mga ito.

May galit siya kay Isabel dahil sa hindi nito pagsasabi sakanya na may mga anak sila pero hindi niya inaasahang mas malalim pala ang galit nito sakanya nang dahil sa wala siya sa tabi nito nung mga oras na nagbubuntis ito.

But he didn't have a way of knowing, did he?

Ginawa niya naman ang lahat para makausap ito nung makabalik sila sa Pilipinas ng pamilya niya pero nagulat na lang siya nang malamang umalis na ito ng San Martin. Ayon sa mga napagtanungan niya ay umalis daw ito ilang linggo lang matapos nilang umalis ng madalian ng mama niya.

He tried to look for her through private investigators pero hindi ito mahanap sa kahit na anong parte ng Pilipinas. Little did he know that she went out of the country. Three months ago ay nagbunga ang paghahanap ng mga private investigators ng pamilya nila.

Until You Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon