WARNING: Rated SPG
As promised, eto na yung steamy update guys! Whoooh! Finally! Natapos ko rin to. Mahirap pala. First time kong makagawa ng isang eksena na inabot ng ilang chapters. Nakakalowka. Anyway, nairaos naman so sana magustuhan ninyo. Remember that this is just a flashback of what happened to Isabel and Alexander six years ago, therefore, simula pa lang ito.
Enjoy reading habang nagdadasal na ako na hindi ko kaya mabigo.
================================================================================
WALA sa sariling nakaupo at tulala si Isabel sa puti at pinong buhangin sa baybay dagat nang gabing yun. Her black dress a contrast on the white sand of the beach. Hawak niya sa isang kamay ang isang bote ng alak na halos kalahati na lang ang laman samantalang nasa tabi niya ang mga tsinelas na hinubad niya.
Muli siyang uminom mula sa bote na hawak niya at ipinikit niya ang mga mata habang dumadampi ang mabining hangin sa kanyang mukha. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang Mama niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na mag-isa na lang siya sa buhay.
Kung ang pinansyal na aspeto ang pag-uusapan ay wala siyang ni katiting na problema. Simula nang pumanaw ang Papa niya ilang taon na ang nakakaraan ay siniguro ng Mama niya na secured ang educational plan niya pati na rin ang bank account na buwan-buwang hinulugan nito para sakanya.
Ngunit hinding-hindi kayang pagtakpan ng kahit na anong halaga ng pera at seguridad na pampinansyal ang nararamdaman niyang pangungulila sa ina. Hinding-hindi maibabalik ng pera ang malaking bahagi ng puso niya na pakiramdam niya ay kasabay na pumanaw ng kanyang ina.
Muli siyang lumagok ng alak at napangiti siya nang mapait. Nang malaman niyang official nang mag-on si Alexander at Laureen a few months back, akala niya ay yun na ang pinakamalalang sakit ng damdamin na pwede nyang maramdaman.
She was so wrong.
Nothing compares to the pain of losing the only person who took care and gave life to you. Nothing compares to the pain of losing the only parent you have left in the whole world. Nothing compares to this indescribable pain.
Naramdaman ni Isabel na nagsimula nang bumagsak ang matatabang patak ng ulan. Mukhang nakikisama yata ang panahon sa lungkot na nararamdaman niya. She felt each raindrop on her skin but she didn't move to look for shelter. Sa halip ay nilagok niyang muli ang alak na iniinom niya.
And that was when she cried.
Inilabas niya ang lahat ng luha na itinago niya sa lahat ng tao. She cried because she broke her heart by loving the only man she's afraid to lose. She cried because she broke her heart by losing the only woman who loved her with no conditions. She cried because she was afraid that her heart cannot take anymore.
Iniluha at isinigaw niya lahat ng sama ng loob na kinikim niya sa mahabang panahon. Hindi siya tumigil hanggang sa mamaos na siya sa kasisigaw. It felt so damn good to let go of her emotions. Right here, in the middle of the heavy rain by the sea, she felt freedom.
Humihingal na napaluhod siya sa basa nang buhangin habang patuloy pa rin ang pagpatak ng hindi maubos-ubos niyang mga luha. Nabitawan na rin niya ang bote ng alak at wala na siyang pakialam kung nabuhos na sa buhangin ang natitirang laman niyon. Nagulat na lang siya nang biglang umangat ang katawan niya mula sa lupa.
Somebody big was carrying her!
She screamed and flailed her whole body. Kung sino man ang pangahas na lalaking ito ay mananagot sakanya. How dare he lift her on his shoulder like she was nothing but a sack of flour! How dare he interrupt her only way of mourning all the pain that she felt!
BINABASA MO ANG
Until You Love Me Again
RomanceWARNING: This story has mature content is not advisable for young readers. Read at your own risk! Since birth, they were best of friends. Ten years ago, she loved him secretly. Six years ago, they made love. Or so she thought. Six years ago, he brok...