================================================================================
ITINULAK ni Isabel si Alexander sa dibdib at akmang tatakbo na siya palabas ng kubo nang bigla niyang maramdaman ang paghapit nito sa baywang niya. Her back was flushed against his front and Isabel tried to get away from him.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw niya habang patuloy na nagpupumiglas. Ayaw niyang makita ang mukha nito. Ayaw niyang makita sa mga mata ng kaisa-isang lalaking mahal niya na hindi siya nito kayang mahalin. Hindi niya kakayanin kapag nakita niya ang awa sa mga mata nito.
"Isabel, stop" bulong ni Alexander sa tainga niya and she stopped squirming. God! She can smell his minty breath and she couldn't stop herself from taking his manly scent in. Kahit na sa ganoong sitwasyon ay hindi pa rin niya mapigilan ang atraksyon niya sa binata.
Ano kaya ang pakiramdam ng tingnan nito sa mga mata habang sinasabi nito na mahal siya nito? Ano kaya ang pakiramdam ng makulong sa mga bisig nito in a warm embrace of love? Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan nito?
Sandali siyang natigilan and she mentally kicked herself for these thoughts of him. She will never know the answers to those questions, will she? Sumambulat na at lahat ang katotohanan pero may panahon pa siya para maisip ang mga ganoon? Ano ba naman!
Bago pa magtuloy-tuloy ang mga ganoong isipin ay muli siyang nagpumiglas sa pagkakayap sakanya ni Alexander mula sa likod. She has to get away from him fast bago pa siya tuluyang mabaliw. Pero nagulat na lamang siya nang biglang siyang iikot ni Alexander.
Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malapit na dingding ng kubo at ang paghawak ni Alexander sa magkabilang balikat niya. Magkaharap sila ngayon at wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tingnan ang mga mata ng binata.
Kung sa ibang sitwasyon ay nakakatawa ang itsura nilang dalawa. They both have dripping and soaking wet clothes and bodies from the rain pero imbes na magpatuyo ay heto sila, magkalapat ang mga basa nilang katawan at nagtititigan, as if both of their lives depended on it.
Nakakatawa dapat pero walang ibang magawa si Isabel kundi makipagtitigan kay Alexander habang ramdam na ramdam niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. She just wished he couldn't hear her erratic heartbeat because that would definitely be the icing on the cake of her mortification.
She just confessed her love for him at alam na niya kung ano ang sasabihin ni Alexander. Na hindi siya nito kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya dito at kailangang may matira man lang na kahit na katiting na pride sa pagkatao niya. She would never show weakness in front of him.
"Bitawan mo nga ako! Gusto ko nang umuwi, Alex!" saad niya pagkaraan ng ilang sandali pero hindi man lang gumalaw si Alex. Parang humigpit pa nga yata ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya. "Ano pa ba ang gusto mo?" tanong niya kapagkuwan nang hindi pa rin siya pakawalan nito.
"You can't just leave after dropping a bomb like that, poppet. I won't let you. Mag-usap tayo" sagot nito sakanya and she rolled her eyes at him. Alexander gritted his teeth. Isabel knew how much he hated it when she rolls her eyes at him.
"Cliché mang pakinggan dahil nasabi na yata 'to ng libo-libong beses sa mga drama sa TV, pero sasabihin ko pa rin" simula niya in a sarcastic tone. "Wala tayong dapat pag-usapan" dugtong niya, emphasizing every word. She knew she was acting like a bitch but it was her only defense against his incoming rejection.
Ano pa ba kasi ang gusto nito? Ang ulitin niya ang sinabi niya na mahal niya ito? I-discuss pa nila ang katotohanan na kahit na anong gawin niya ay hinding-hindi siya nito kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya dito? Alam na niya ang lahat ng yun and she didn't want, nor need, a play by play.
BINABASA MO ANG
Until You Love Me Again
RomansaWARNING: This story has mature content is not advisable for young readers. Read at your own risk! Since birth, they were best of friends. Ten years ago, she loved him secretly. Six years ago, they made love. Or so she thought. Six years ago, he brok...