Chapter Nine

14 1 0
                                    


================================================================================


MEDYO natagalan bago nakahanap si Isabel ng pwedeng maisuot mula sa mga dinala niyang damit. She didn't really have much since hindi naman niya binalak na magtagal sa San Martin. Mas lalong wala rin sa plano niya ang tumanggap ng bisita sa dis oras ng gabi.

Pagkatapos ng mahabang hanapan ay nakahalungkat rin siya ng isang oversized shirt at jogging pants na agad naman niyang ipinalit sa suot niyang pantulog. Muling nag-init ang mga pisngi niya nang magawi ang tingin niya sa pantulog na hinubad niya.

She still cannot believe it affected Alexander that way. She still cannot believe that Alexander almost lost his control and that he actually kissed her downstairs. She still cannot believe that she let him. And she still cannot believe that she responded to him.

At kung magiging totoo lang siya sa sarili niya, masasabi niyang hindi nalalayo sa naramdaman ni Alexander ang naramdaman niya kanina. At wala na yatang mas nakakairita at nakakalito pa kesa sa ganoong klase ng pakiramdam.

Bago niya makita si Alexander ngayong araw at maging noong nasa opisina pa lang siya nito kanina ay sigurado siya sa nararamdaman niya—kinasusuklaman niya ito. At isa lang ang gusto niyang gawin. Ang ilayo ang mga anak niya dito.

But now that she already admitted to herself that she is irrevocably attracted to the father of her twins, hindi na niya alam ang gagawin niya. Parang nagulo na yata ang lahat. Hindi lamang ang sistema niya kundi pati na rin ang mga plano at paninindigan niya.

Muntikan na niyang mabatukan ang sarili. Kung bakit ba kasi hinayaan niyang halikan siya nito? Kung bakit ba kasi napakagwapo nito? Kung bakit ba kasi pumunta-punta pa ito sa bahay nila ngayon at kung bakit ba naman pinagbuksan niya pa ito ng pinto?

Hindi ba mas tama kung pinagsarhan niya na lang ito ng pinto? Hindi ba mas tama na tumakas na lang siya kasama ang mga bata kanina imbes na kausapin ito sa opisina nito? Hindi mas tama kung hindi na lang siya bumalik dito sa San Martin? To hell with their lot. To hell with closure!

She sighed.

It's totally useless to have these thoughts right now, isn't it? Wala naman nang magagawa ang mga "what if's" na patuloy na nagkakarerahan sa utak niya. Nandito na siya. Nangyari na ang nangyari at wala na siyang magagawa kundi ang harapin ang lahat ng ito nang buong tapang.

Hindi lang ito tungkol sakanya. Tungkol ito sa dalawang pinakamahalagang tao sakanya—sina Santiago at Luisa. Tungkol ito sa pinagmulan ng mga bata at tungkol ito sa magiging kinabukasan nila. And her conscience is telling her that she has to face Alexander.

Alexander. Alexander who's still waiting for her downstairs.

"Shit!" bulong ni Isabel sa sarili. Muntik na niyang makalimutan na naghihintay sakanya sa baba si Alexander nang dahil sa walang katapusang pag-iisip niya. Dali-dali at hahangos-hangos na bumaba si Isabel sa hagdan at natigilan siya sa naabutang eksena.

Still wearing his shoes, Alexander was lying on the couch with his left leg extended and his right leg on the floor. Nakatakip sa mata ang kaliwang braso at nakalaylay rin papuntang sahig ang kanang kamay nito. Nasa center table ang hinubad nitong necktie.

Sa taas nitong higit anim na talampakan ay hindi ito nagkasya sa may kaliitang couch at siguradong hindi komportable ang posisyon nito pero naririnig niya ang mabining paghinga nito, senyales na mahimbing na ang tulog nito.

Sinisigaw ng isip niya na gisingin ito at paalisin na sa bahay niya dahil may malaking mansion itong siguradong may malaking kama na pwedeng tulugan pero mas malakas ang kalabit ng konsensya niya sakanya. Wala sa sariling lumapit siya sa kinalalagyan ng Alexander.

Until You Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon