Chapter Fourteen

13 0 0
                                    


Pasensya na po kung medyo natagalan ang update. Hirap din ng daming ginagawa sa trabaho at masyadong natutuwa sa pagbabasa e, nawawalan ng oras para sa pagsusulat. Emshewsheree!! Haha.

Anyway, eto na siya. Enjoy!


================================================================================


PABALIKWAS na bumangon sa kama si Isabel. Ilang sandali rin bago rumehistro sa utak niya kung nasaan siya ng mga oras na iyon. She was inside her room in her family's old house in San Martin. Tila nanghihinang muli siyang napahiga sa kama at natutop niya ang noo.

For the second time since she got here, napanaginipan niya ang pangyayaring nagbago sa buhay niya. Napanaginipan niya ang gabing ibinigay niya ang sarili sa lalaking minahal niya. Hindi lang isang beses, because she gave herself to Alexander over and over all night until their bodies cannot move anymore.

'Yeah. Until he left you in the morning without a second glance' bulong ng isang bahagi ng utak niya.

It was the night she thought he has finally seen her true worth. Ang gabing inakala niyang minahal na rin siya sa wakas ng lalaking lihim niyang minamahal. Ang gabing inakala niyang magiging simula ng maganda nilang relasyon ni Alexander.

But boy, was she wrong.

In the light of day, it was very clear that she was used. Body, heart and soul. After that night, she realized just what a fool love made out of her. After that night, she realized that Alexander was not the man she thought he was.

Na itinapon nito nang ganun-ganun na lang ang pinagsamahan nila simula nang mga bata pa sila. Na ang lalaking inakala niyang poprotekta sakanya ay siya rin palang mananakit sakanya. Na ginamit lang siya nito at ang pagmamahal niya, para makuha nito ang gusto nito.

Mariing ipinikit ni Isabel ang mga mata niya habang nakatapat ang kamay niya sakanyang dibdib. Anim na taon na ang nakakalipas pero bakit ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit? She knew coming back to San Martin was not a good idea.

She glanced at her watch by the bedside table and noted that it was a quarter before 6am. Kailangan na niyang bumangon after a few minutes para ihanda ang breakfast ng kambal dahil 7am nagigising ang mga ito. Pipikit na sana siyang muli para umidlip pa ng kaunti nang may bigla siyang maisip.

Wait a minute.

Ano ang ginagawa niya dito sa kwarto gayong ang huli niyang naaalala ay ang pag-upo niya sa sofa malapit sa natutulog na si Alexander sa couch ng sala nila. Did she dream about him coming over last night?

Then the memory of last night's kiss hit her.

That was definitely not a dream!

Sandaling nagload ang utak niya, pinagtatagpi ang mga kaganapan kagabi. Tulog na ang kambal at matutulog na rin sana siya nang biglang dumating si Alexander para umano'y mag-usap sila.

Hinalikan siya nito. It felt like heaven and it felt like a crime not to respond to him so she did and w---

'Isabel, focus!' saway ng matinong banda ng utak niya sakanya.

What happened after that kiss??

She raked her mind and she remembered running upstairs to change clothes. It took her a while at nang makababa siya ay naabutan niyang nakatulog na si Alexander sa couch ng living room.

She remembered how she didn't want to be rude as to wake him and shove him out the door. Sa halip ay umupo siya sa isa sa mga single-sitter sofa sa malapit para hintaying magising ang lalaki at mapauwi na niya ito.

Until You Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon