================================================================================
NANGINGINIG ang mga kamay ni Isabel habang nakasakay sa elevator na maghahatid sakanya sa pinakataas na palapag ng maliit na building na pag-aari ni Alexander sa bayang ito. Kung ikukumpara sa pag-aari ng mga Sebastian na building sa Maynila ay sadyang maliit ang building na ito ngunit nagmukha itong malaki sa maliit na bayan ng San Martin.
Papunta sya ngayon sa opisina ng lalaking kinasusuklaman niya para makapag-usap sila nang hindi nakikita o naririnig ng kambal. Kung siya ang papipiliin ay mas gugustuhin nyang sa restaurant na lang sila mag-usap so she can have the security of having other people around.
No matter how fake that security may be. No matter how temporary. She cannot be intimidated by this man. Not when her kids are at stake.
Pero mas pinili na lang nyang sundin ang kagustuhan ni Alexander na dito sila mag-usap. She's not here for anything else but to warn him off anyway. Hindi siya makakapayag na kunin nito sakanya ang mga bata.
Pansamantala niyang iniwan sina Tiago at Luisa sa dalawang matandang katiwala sa dating bahay ng pamilya nila sa lugar. Dahil sa sadyang magiliw ang mga matanda ay hindi nahirapan si Isabel na iwan ang mga bata.
Lihim rin niyang ipinagpasalamat na hindi nagtanong ang dalawa tungkol kay Alexander dahil hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang kahit na anong tanong tungkol sa lalaki. Baka wala lang siyang masabing maganda.
She was still lost in her own thoughts when the elevator dinged; indicating that she already reached her destination. Nahugot ni Isabel ang kanyang hininga nang bumukas ang bakal na pinto at matambad sakanya ang malawak na hallway papunta sa nag iisang pinto sa top floor --- Alexander's office.
Gamit ang nanginginig niyang mga tuhod ay humakbang siya papunta sa pinto ng opisina ng taong minsan niyang minahal. Ang taong pinag-alayan niya ng lahat lahat. Ang taong minsan na siyang binigo. Ang taong dumurog sa bata niyang puso. Ang taong pinakakinasusuklaman niya. Ang ama ng mga anak nya.
Muntikan pang mapatalon si Isabel nang biglang bumukas ang pinto sa harap niya at iniluwa ang bulto ni Alexander. Nakakunot ang noo nito na parang naiinip pero agad ding nawala ang ekspresyong iyon sa mukha nito nang makilala siya.
"Good. You're here" mahinang saad nito sabay bukas sa pintuan ng opisina nito. He motioned for her to enter and Isabel almost, almost didn't. Pero naisip niya na hindi na niya pwede pang pahabain ang pagdurusa ng kalooban niya. With her chin up, she entered the devil's lair.
KUNG nasa ibang sitwasyon lamang sila ay mapapahanga si Alexander ng ipinapakitang tapang ni Isabel sa mga oras na iyon. He knew that she would rather be in hell than to be in the same room with him and yet she was here, taking a seat on one of the couches in his office.
Halos isang oras din siyang naghintay na dumating ito and he almost thought na tinakasan na siya nito kasama ang mga anak nila. When he stormed out of his office, he was intent on picking her up himself, wherever the hell she was pero heto nga at dumating na ito.
At long last.
Alexander felt like celebrating. Humakbang sya patungo sa shelves na kinalalagyan ng mga libro at ng brandy niya. Walang imik na naglagay siya ng ice cubes at nagsalin ng brandy sa baso niya. Bahagyang niyang pinapaikot ang likido at yelo sa loob ng baso nang humarap siya sa direksyon ni Isabel.
"Do you want a glass?" tanong niya dito na sinagot naman nito ng isang iling, without looking at him.
She was still seated on the couch and she was as stiff as a pole. Kung hindi pa ito umiling kanina ay iisipin niyang hindi ito humihinga. Alexander knew that the anticipation was killing her and it amused him. Some things never really change. Isabel still hates tensed silence.
Sinadya ni Alexander na maglakad nang mabagal papunta sa floor to ceiling glass window ng kanyang opisina. Hihintayin niyang maputol ang pisi ng pasensya ni Isabel hanggang sa humingi ito ng tawad sa hindi nito pagsasabi sakanya ng katotohanan tungkol sa mga anak nila. Mga anak niya.
Pinaikot niyang muli ang likido at yelo sa brandy glass niya. Ang tunog ng nagbabanggaang yelo at baso lamang ang maririnig sa buong opisina. Hindi man niya makita dahil nakaharap siya sa bintana, Alexander can sense Isabel's palpable irritation.
Smiling to himself, tahimik na uminom si Alexander mula sa baso at hindi pa malayang gumuguhit sa lalamunan niya ang alak ay narinig niya ang marahas na pagbangon ni Isabel mula sa pagkakaupo sa couch. Putol na ang pisi ng pasensya nito and he can almost hear it snapping.
Snap.
"Kung tapos ka nang uminom, magsasalita na ako at gusto kong makinig kang mabuti" simula nito. Walang ekspresyon ang mukha na humarap siya rito. Muntikan pa niyang mabitawan ang hawak niyang brandy glass nang makita ang mukha ni Isabel.
She always had a very expressive face and her mixed emotions only accentuated her beauty. Her chocolate brown eyes were now looking at him intently and he knew he could drown in them. Her mouth, her beautiful lips, were fixed in a grim line and he never wanted to kiss somebody this bad before.
Unconsciously ay bumaba ang tingin ni Alexander sa mayamang dibdib ni Isabel na patuloy sa pagtaas-baba dahil marahil sa pinipigil nitong emosyon. She was wearing a simple body hugging shirt and a pair of jeans but she was more delectable than chocolate itself.
He might hate her for not telling him the truth about the twins alright, but he cannot deny the fact that he still incurably wants her body. Shit! Alexander gritted his teeth.
Wanting Isabel is out of the question. It took all of his strength para ibalik ang mga mata niya sa mukha ni Isabel. He had to remind himself that this is the selfish woman who never gave him the chance to be a father to his children.
"I'm listening" he said.
================================================================================
BINABASA MO ANG
Until You Love Me Again
RomansaWARNING: This story has mature content is not advisable for young readers. Read at your own risk! Since birth, they were best of friends. Ten years ago, she loved him secretly. Six years ago, they made love. Or so she thought. Six years ago, he brok...