Chapter 10: Ottavo, The eye of the Sicilian.
Jian's POV
"Claine..." sambit ko.
Agad siyang napatingin sa akin. Napansin kong pinunasan niya muna yung mukha niya bago siya humarap sa akin."Siguro nga manhid na ako. Pero totoo ba yung sinabi ni Sky? Pati yung sinabi mo kanina, na nagseselos ka, higit pa ba yun sa friendship natin?" Tanong ko.
Kailangan kong malaman mismo na nanggaling sa kaniya.
"Kapag ba sinabi kong MAHAL KITA, Mamahalin mo din ba ako? Hindi naman diba? Kasi ako itong tanga na patuloy umaasa na nagmamahal sayo. Pero ikaw din naman itong gago na nagmamahal sa kaniya na walang ibang ginawa kundi saktan ka." Sabi niya.
"Oo, alam ko hindi ka niya sinasaktan physically pero dahil alam kong mahal mo siya, nasasaktan ka emotionally. At, ano naman kung nagseselos ako?"
"Claine..."
"Oo! NAGSESELOS ako kahit alam ko sa sarili kong wala akong karapatan. Oo, NAGSESELOS ako pero dahil MAHAL KITA ng sobra at ayokong mawala ka. Sapat na sa akin yung pagiging BESTFRIEND mo, kasi kahit alam kong wala akong pag-asa, nakakasama naman kita. Ayokong sirain yung pagkakaibigan natin nang dahil sa pagtingin ko sa iyo. Tandaan mo, nanggaling din tayo sa pasimpleng 'Hi' at ayokong matapos na lang lahat sa salitang 'Bye'"
Agad ko siyang niyakap.
"Sorry.."sabi ko.
"Mahal kita... Mahal mo siya... pero, may mahal din siyang iba. Hindi ba pwedeng mahal kita... mahal mo ako... At bahala na sila?" Tanong niya na Umiiyak pa din.
Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya. Hindi ko alam.
"Pero sino nga ba ako para utusan ka? Isa lang naman akong hamak na kaibigan mo na na fall in love sayo. I cannot please you to love me. Kaya please, hindi ko kayang iwasan ka kaya ikaw na lang muna ang umiwas" sabi niya.
"No.. hindi ko yun gagawin" sabi ko.
"Please... sobrang nasasaktan na ako. Kapag kas-- Tsup"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinalikan ko na siya. Pero smack lang. Nakita ko pa nga yung panlalaki ng mata niya.
"Hinding hindi ko gagawin yun... lalo na ngayong nalaman kong mahal mo din ako" sabi ko.
"Din?" Tanong niya.
"Hindi kita hahalikan kung hindi kita mahal. Sadyang naging torpe lang talaga ako kaya hindi ko nasabing mahal kita. Pero sa tingin ko ito na yung pagkakataon..." sabi ko.
"Hindi man ito romantopic tulad ng mga napapanood mo sa Tv's at nababasa mo sa Wattpad. Pero buong puso ko sayong sinasabi na Mahal na Mahal kita Claine Lopez. Ayoko ng dumaan pa sa panliligaw dahil alam kong dito din yung babagsakan natin... Will you be my girlfriend?" Tanong ko.
Nakita ko yung sunod-sunod na pagbagsak ng luha niya.
"Choosy pa ba ako? Malamang Yes yung sagot ko. Kaya nga mahal kita eh" sabi niya.
Agad ko siyang binuhat at pina-ikot ikot.
"Pero si Kyrille... diba sabi mo mahal mo siya?" Tanong niya.
"Oo, mahal ko siya... pero as a friend o bilang kuya niya. Kapatid yung turing ko kay Kyrille. Selos ka ba?" Tanong ko.
"Im sorry if I get a little jealous sometimes, thinking that someone else could make you happier than I could. I guess it's my insecurities acting up. Because I know that Im not the prettiest, smartest, or most fun and exciting girl. But I do know that no matter how hard and long you look, you'll never find somebody that loves you like I do" sabi niya.

BINABASA MO ANG
Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018
RomansaHighest Rank #19 in Action/June-06-17 This is the Book 2 of The Gangster Heiress/ Love The Way You Lie. On-Hold po muna itong story due to some reasons and privacy concerns. tsaka focus muna ako sa study ko. Salamat sa lahat ng sumuporta.