<02>

10 0 0
                                    

Oh my goodness.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko hanggang sa pumasok ako ng kwarto. Thank god wala si Kuya, si Mama naman nag grocery, and si Dad, nasa company.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Hinawakan ko ang dibdib kong mabilis parin ang tibok.

"Easy... heart." Bulong ko. Bigla kong naalala yung nangyari sa court kanina. Yung paglapit ko sa court, patitig ko kay Phil, yung pagtama sakin ng bola, at yung paglapit sakin ni Phil.

God! Tama na.

Umupo ako at nagtanggal ng sapatos.

"Anong nangyari?"

"Anong nangyari?"

"Anong nangyari?"

"Anong nangyari?"

"Fuck."

'Yon lang naman ang sinabi ni Phil pero grabe makareact yung puso ko.

For goodness' sake, he didn't say I love You so stop beating fast you little organ!

Crush ko lang sya okay? Ayokong makaramdam ng love! That's a no no.

Kinuha ko yung phone ko sa bag dahil bigla itong tumunog.

I message recieved from Kuya...

From: KuyaBaog

I saw you :)

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa simpleng message ni Kuya. 'I saw you'. Nakita nya ko? Saan? Yung tumakas ako? Hala sana naman hindi.

I saw you nga e. Anong sana hindi?

Mabilis akong nagbihis ng pambahay. Bumaba ako ng kusina para kumuha ng pagkain bago pa makauwi sa Kuya. Kinuha ko yung isang box ng pizza, apat na lang naman ang laman 'non.

Nang makarinig ako ng tunog ng kotse, halos liparin ko nayung hagdanan para lang makaakyat ako kaagad sa kwarto ko.

Nang makapasok ako ng kwarto, agad ko iyong nilock saka binuksan ang ang tv.

"I'm home!" Malakas na sabi ni Kuya sa sala pero hindi ko sya pinansin, nilakasan ko na lang yung volume ng tv para di ko na sya marinig.

"Beat energy, energy gap, beat energy. Drink Milo everyday. Milo everyday."

Napangiti ako nang makita ko ang mukha ni James Reid sa tv. Oo, at nakakasawa yung commercial nya. Pero wala e, ang pogi nya.

Mas nilakasan ko pa yung volume nang may marinig akong mga yapak ng paa, na palapit na sa kwarto ko.

"BAGONG BIYAK NA BUKO ANG SARAP NITO, NESFRUTA BUKO WHY NOT (tok tok) COCONUT. BUKONG MASARAP MADE WITH REAL FRUIT JUICE, NESFRUTA BUKO WHY NOT (tok tok) COCONUT. BUKONG MASUSTANSYA RICH IN VITAMIN C, NESFRUTA BUKO WHY NOT (toktok) COCONUT. NO ARTIFICIAL COLOR REAL NA REAL. KITANG REAL NA LASANG REAL NA BUKO, NESFRUTA REAL NA REAL NA REAL ITO. ALSO AVAILABLE IN MANGOSTEEN..."

"Fita, baby. Are you there?" Kahit hindi ko nakikita yung tao sa labas, alam kong si Kuya iyon. Nanatili akong tahimik at inilipat ang channel sa Mix. Saktong 'Mercy' ni Shawn Mendes ang ipinapatugtog.

"Fita." Kumatok ito ng kumatok. Naririndi na ko kaya tumayo ako at lumapit sa pinto.

I sighed as I open the door.

"What?" I asked. Kinuotan nya ako ng noo.

"Ang lakas naman ng volume ng Tv mo, bingi ka ba?" Pumasok sya sa kwarto saka hininaan ang volume. Medyo sumakit din yung tenga ko sa lakas eh.

My Playboy (Playboy Series #1)Where stories live. Discover now