Sa mga nagdaang araw, wala namang kakaiba. Hindi ko nakita sila Phil. Dati kapag di ko sya nakikita, halos mamatay na ko. Pero ngayon, mamamatay ako pag nakita ko sya. Hindi naman sya yung binato ko ng bola pero feeling ko sirang-sira na ko sa kanya.
Nandito lang ako sa kwarto habang hinihintay ang tawag ni Daniela. Girl's bonding, magsa-shopping kami ngayon. Naisipan ko munang bumaba since na nabobore lang kakahintay sa tawag nya.
Naabutan ko si Kuya sa sala habang naglalaro ng... lego? He's trying to build something. More like a house. Puro kulay pink ang gamit nyang blocks. Nang makagawa na sya ng maliit na bahay na kulay pink, naglagay sya ng isang lalaki at isang babae sa may pintuan nung bahay. Nilagay nya yung ginawa nya sa isang box na kulay pink saka binalutan ng wrapper na kulay pink at ribbon na kulay pink.
Hanep sa pink.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Kuya." Ngayon ko na lang ulit nakausap si Kuya Koby. Halos lagi kasi akong nasa kwarto. Natatakot ako na baka pag baba ko ng sala, nandun yung mga kaibigan ni Kuya, na nandun sina Phil. They're friends.
Lumingon sya sakin saka ngumiti ng malapad. "You're still alive! Thankgod, akala ko inamag ka na sa kwarto mo." Lumapit sya sakin habang pinapakita ang box na may laman na lego na ginawa nya. "What do you think?" He asked.
Nagkibit na lang ako ng balikat. "Its fine Kuya.." Pink looks fine, but too girly. "Para kanino ba iyan?" I'm 100% sure na hindi bakla si Kuya.
"Random Girl." Aniya.
Nagtaas ako ng kilay. Random Girl pero grabe ang effort? Bakit di na lang nya sabihin na para iyon sa girlfriend nya. Ohmygod.
"Kuya tell me, may girlfriend ka na?" Tanong ko. Sana naman meron na. Gusto kong magkaroon ng ate. Yung ibang babae, gustong magkaroon ng Kuya, pero ako? Ate na lang kung katulad ni Kuya ang ibibigay sakin, abnormal kaya yang si Kuya!
"I don't do girlfriends, Fita. Random Girl nga e." Bumalik sa sa ginagawa nya. I mean, nililigpit na nya yung mga lego na nagkalat sa sala.
I don't do girlfriends, sus arte.
Papunta na ako ng kusina nang buglang tumunog yung phone ko.
Danielandi calling....
Agad kong sinagot ang tawag nya. I've been waiting for her call.
"Hoy babae." Panimula ko. Angas ko diba?
[Grabe ka Fita. Nga pala, kita na lang tayo sa mall ha?]
Bago ko pa sya masigawan, pinatay na nya ang tawag.
Tignan mo yung babaeng yon, tinamad na naman akong sunduin. Akala mo sya nagdadrive. Adik.
Kinuha ko yung wallet ko sa may Tv at inilagay yon sa bulsa ng faded jeans kong suot.
"Kuya alis na ko." Paalam ko. Tumango lang si Kuya.
"Umuwi ka ng maaga Fita ha. Pag di ka umuwi before 6 pm, pasasabugin ko yung kwarto mo." Pananakot nya saakin. Napairap lang ako, edi pasabugin nya.
Joke lang.
Lumabas na rin ako ng bahay saka pumara ng taxi. Gusto ko sanang magpahatid kay Kuya gamit ang kotse nya kaso may ginagawa pa sya e. Saka last time na nagpahatid ako sa kanya sa school, hinabol kami ng pulis. Over speeding kasi.
Pagdating ko palang sa entrance ng mall, mukha kaagad ni Daniela ang nakita ko. Erm.
"Ang tagal mo!" Aniya habang nakapameywang. Nilagpasan ko lang sya at pumasok ng mall.
