<08>

7 0 0
                                    

Maputi, matangkad, maganda.

Hindi ko na masyadong nakita yung features ng mukha nya dahil nga madilim pero pag nakita ko ulit sya, I'm sure I'll recognize her.

Si Kuya, nakabingwit pala ng chicks, wala man lang pasabi.

Buti nga buhay pa kong nakabalik dito sa bahay e. Nakaiglip kasi ako sa likod ng bench kakahintay kay Kuya. Pag gising ko, 2 am na. Takot na takot nga ako kasi mag-isa lang ako sa Park tapos 2 am pa. Devil's hour jusme! Sabi nga nila, nothing good happens when the time strucks between 2-3 am. Tapos may tumutunog pang crickets sa paligid.

At, naglakad ako pauwi. NAGLAKAD PAUWI. Ibat ibang scenarios pa naman yung nasa isip ko habang naglalakad ako.

Babaeng narirape, nakikidnap, kinukuha ng multo.

Buti malapit lang yung park na pinuntahan ni Kuya, sa subdivision namin. Paguwi ko nga, nakalock na yung pinto. Kaya no choice ako.

Hoy hindi ako nagstay sa labas ng bahay no.

Takot nga ako nung naglalakad ako pauwi e. Magstay pa kaya sa labas.

Inakyat ko lang naman yung kwarto ko, sa bintana ako dumaan.

Syempre kasi astig ako.

Actually muntik pa kong mahulog, buti nakakapit ako kaagad.

Wag nyo nang tanungin kung san ako nakakapit.

"Bingi ka ba talaga Fita?" Gulat akong napatingin sa likod ko, si Kuya.

"Wag kang epal Kuya Koby." Inis kong sambit. Kinukwento ko pa kung anong nangyari kagabi tapos epal tong si Kuya.

"Aba hoy, wag mo akong ini 'epal' dyan ha. Mas matanda ako sayo ng isang taon. Mas marami akong bigas na nakain–"

"Bigas talaga? Ayaw mo ng kanin?" Putol ko sa kanya.

"Oh diba? Ikaw talaga yung epal satin. Kita mong nagsasalita pa ako e. Bastos kang bata ka." Aniya saka umiling. "Mas marami akong tubig na nainom. Tubig na nagamit sa paliligo–"

"Naliligo ka Kuya?"

"Aba bastos to ah. Malamang naliligo ako. Tignan mo yung banyo sa kwarto ko, baha pa." Nagkibit balikat na lang ako. Tumingin na naman sya sa kisame ng kwarto ko. "Mas marami akong asong naalagaan–"

"Allergic ka sa aso."

"Nanggigigil na ko Fita ha." Binalik nya yung tingin nya sa kisame. "Mas marami akong hanging nalanghap. Mas marami akong tinapay na natikman. Mas marami akong pechay na nakain–"

"Malamang, hindi naman kasi ako nakain ng pechay."

"Isa na lang talaga Fita." Tumikhim muna sya. "Mas marami akong damit na naisuot. Mas maraming salitang nabigkas. Mas maraming librong nabasa–"

"Mas nauna nga akong natutong magbasa sayo e. Remember when you were in grade one? Hindi ka pa masyadong marunong magbasa kahit Filipino words. Eh ako? I was in kinder but I already know what 'Kuya is dumb' means." Inirapan ko sya. Kumuha sya ng isang novel book sa shelf ko.

English novel.

"See this one? Kaya kong basahin yan sa harap mo ng isang oras. Makapal na libro to ah." Pagmamayabang nya. Binuksan nya yung libro at biglang kumunot ang noo nya nang makitang medyo maliliit ng letra ang nandoon.

May mga words pang mahirap talagang ipronouce.

"Ano na Kuya? I'm waiting..." I crossed my arms over my chest.

"Ah... alam mo ba nung grade two ako? Hindi pa rin kami masyadong friends ng mga words. Sabi ko nga mas matalino ka." Binalik nya yung libro sa loob ng shelf ko.

My Playboy (Playboy Series #1)Where stories live. Discover now