Kung kanina, isa lang yung maingay, which is Kurby. Ngayon, dalawa na.
"Dapat talaga duon muna tayo sa Gym e. Mas marami tayong makikita don Kurby!"
"Mamaya na, ayaw ng boss natin e." Sabi ni Kurby habang nakatingin sakin.
"Hala, kj talaga yang si Fita." Binatukan ko sya. "Aray naman! Wag yung ulo ko!" Sabi nya habang himihimas yung ulo nya, I mean yung batok.
"San mo gustong batukan kita? Sa braso?!" I sarcasticly said. "At tinawag mo pa kong kj, eh hindi naman. Unahin nyo muna kasi yung trabaho bago yung kalandian nyo ni Kurby. Nakikisama ka na nga lang, kung ano-ano pang sinasabi mo." Pagtataray ko kay Ivan. Maling idea talaga na sinabi ko kung saan kami pupunta e. Ayan tuloy, sumama si Ivan.
Pumunta kami ng building 9. Compared sa St. Eldes, mas maraming building dito. Ang daming studyante e. Buti nga wala na masyadong tao dito. Dahil pag nagkataon, nako panigurado, pagkakaguluhan sila Kurby at Ivan. All girls pa naman dito.
Nang makarating kami sa Building 9, agad kaming naglibot. Si Daniela, thank god dahil medyo tahimik sya. Si Ali at Mich nasa Building 10. Magkikita na lang kami sa Main Gate mamaya.
Agad na napasipol si Ivan nang may babaeng dumaan. Ang iksi ng palda ng mga babae dito. Mayaman naman yung school pero mukhang nagtitipid sila sa tela.
Nang matapos kami sa paglilibot, agad kaming pumunta ni Daniela ng Main Gate.
Yung dalawang lalaki?
Nako wag nyo nang itanong.
For sure nagtatatakbo na sila papuntang Gym. Mga atat sa legs.
Boys.
"Tara na kaya?" Aya ni Ali.
"Maga-ala sais na rin e. Baka hinahanap na ko ni Mama." Sabi naman ni Mich.
Tumango ako. "Kung gusto nyo nang mauna, okay lang. Kami na maghihintay sa dalawa." I smiled. Kung tutuosin, pwede na rin kaming umalis at iwanan na lang sila Kurby. Kaso kailangan naming magreport sa guidance about sa St. Eldes at St. Claire.
Kailangan daw tatlo kaming babalik ng school kapag magrireport na.
Arte.
Si Daniela kanina pa tahimik. Nabobother na ko.
Naks, nabobother.
English.
Joke, para akong tanga.
"Daniela..." Kinalabit ko sya. "Kanina pa kita napapansin. Ang tahimik mo, may problema ba?" Tanong ko. The usual Daniela, is noisy. And Daniela being quiet, like this, is not normal.
"K-Kasi..." Tumigil muna sya saglit. "Chinat ko kasi Shade kanina, kaso blinock nya ako." Huminga sya ng malalim. "T-Tapos inunfriend nya pa ko. Ayaw nya saakin Fita, ayaw nya." Umiling na lang ako. Facebook na pala ang basehan kung gusto ka ng isang tao o hindi. Well, kahit naman hindi sya iblock at iunfriend ni Shade, halata namang ayaw talaga sa kanya nung tao.
"Hayaan mo na kasi sya, Dan. He doesn't like you okay? Deal with it." Kung ayaw sayo ng tao, edi ayaw. If you can't make him like you, then give up. Minsan kasi mas okay nang sumuko kasya umasa ka ng umasa, nagmumukha kang tanga. Nagpapagod ka sa isang bagay na wala ka namang napapala. Mas mabuting ibalin mo na lang yung atensyon mo sa iba.
May mga bagay na pinagpapaguran, at may mga bagay na sinusukuan.
May mga bagay na sinusukuan kung walang patutunguhan.
-
Feeling ko talaga may girlfriend si Kuya e. Kung random girl lang, baka naman special?
I can see him holding a ballpen and a paper. Scented na papel. Parang nagsusulat sya ng letter. May nakita akong 'dear' na nakalagay e.
