Nandito ako sa pinakadulo samantalang si Daniela, nandun nakikisiksik sa unahan. Crush nya kasi si Shade. Ayaw patalo ng isang 'yon. Pustahan pagnakita ko yan, may mga pasa na sya. Ako nga dito sa likod nasisiko eh, sya pa kayang sumiksik sa harapan?
Halos hindi ko na nga makita sila Phil sa harap dahil sa mga babaeng to, talon ng talon! Umupo na lang ako sa gilid since na hindi ko naman makita yung pinunta namin ni Dan. Nagfacebook na lang ako ulit, nang maramdaman kong may nakatingin sakin.
Jeez. Ang creepy.
Lumingon-lingon ako, pero puro likod ng ibat-ibang babae ang nakikita ko. Baka feeling ko lang na may nakatingin. Oo tama.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa phone ko nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking naka jersey at pinanliliitan ako ng mata na para bang kinikilatis ako.
Kinikilatis? Omy ang galing ko.
Kinikilatis.
Isa na kong Dakilang Pilipino!
Kinikilatis, yeah.
Tumingin din ako sa kanya. Nagtititigan kami ngayon. Nagsasalita sya habang turo-turo ako pero di ko sya marinig, ang layo nya kaya. Kung hindi ako nagkakamali, sya si Tony. Oo sya nga, palaging napunta sa bahay yan dati eh. Magkaibigan kasi sila ni Kuya. Oo sya nga si Tony, sya yung umubos ng muffins ko dati. Hmpk! PG!
Inirapan ko na lang sya saka ng facebook ulit. Di ko makakalimutan yung pagkaubos ng muffins ko. Nahiya naman yung 25 pieces na muffins sa bunganga nya no. Kainis talaga.
Habang nagso-scroll down ako sa timeline ni Phil, may nakita akong post na naka tag sa kanya.
Catherine Delos Reyes posted 3 photos with Phil Tranco.
At the moment with him. <3
Picture nilang lahat pati ibang basketball player sa gym.
Picture nilang lahat pero si Phil lang tinag nya?
Naka akbay pa sakanya si Phil. Ang loka, ngiting ngiti. Maganda naman yung Catherine, actually mukha syang model ng... bench? Bench na upuan ha, hindi yung pabango. Joke. Ang tangkad nya, tapos ang ganda pa. Halos kasing tangkad nya na si Phil. Nahiya naman daw ako, 5'5 kaya ako. Pero 5'8 kasi si Phil tapos mukhang 5'6 yung Catherine.
Talo ako ng 1 inch.
Sa sobrang pagluluksa ko dahil sa mas matangkad sakin si Catherine, di ko namalayan ng nasa harap ko na pala si Daniela.
"Ohmygosh Dan, what happened?" Tanong ko. Si loka kasi, ang gulo ng buhok tapos gusot pa yung uniform. Parang galing sa gyera.
"Shade happened, Fita." Umupo sya sa tabi ko saka impit na tumili. "He saw me Fita! He. Saw. Me. Tinignan nya ako! Narinig mo? Nakita nya ako. Pwede na kong mamatay!" Inilagay nya yung dalawa nyang kamay sa leeg nya at aktong sinasakal ang sarili nya. Napailing na lang ako.
Naalala ko nung may nakita akong sachet sa bag nya tapos may puti sa loob. Sabi nya drugs daw yun. Tiningnan kong mabuti, fertilizer lang naman pala.
-
"Okay, yung deadline ng project nyo sa Tuesday next week ha. You may now go."
Nagsitayuan na kaming lahat. Next Tuesday na pala deadline ng project namin. Wala pa kong nagagawa ni isa. Kailan pa kasing i-compile yung lessons namin ng buong 1rst grading tsaka yung highlights. Daming alam. Grr.
Paglabas namin ng room, ibat ibang likod na naman ng mga babae ang nagkalat. Don't tell me nasa building namin sina Phil?
"Excuse me ho, excuse lang." Si Daniela nag ala ninja na naman. Ayun, excuse me ng excuse me. Di na nadala. Sinundan ko sya kahit labag sa loob ko. Napapikit ako ng mariin nang may sikong tumama sa balikat ko, sa pisgi, at sa tagiliran. Si Daniela naman kasi eh, sa unahan pa pumunta.
Nang maabutan ko sa harapan si Daniela, hindi pa ako nakakahinga ng maluwag, hinawakan na nya kaagad ang kamay ko.
Tiningnan ko sya, "Bakit?" Tanong ko.
Ngumiti lang sya at nagpuppy eyes. Iw. "Pa favor Fita, please?" Nakatingin lang sya sakin habang ngumunguso sa bandang kaliwa nya. Nung una di ko sya nagets, hanggang sa makita ko si Shade malapit sa kanya at parang walang pake sa mundo.
"Sige. Ano ba yun?" Tanong ko. Ano na namang favor nya?
Tumikhim muna sya bago nagsalita. Or should I say, bumulong. "Kunwari itutulak mo ko kay Shade tapos magagalit ako sayo. Please Fita, I badly want to see him. Yung malapitan." Hinawakan nya ko sa kamay. "Luluhod ako kung kailangan. Just this once. Last na to promise." Akmang luluhod sya nang batukan ko sya.
"Oo na." I sighed. Naawa ako sa mukhang tuta na to eh. Pumwesto sya sa harapan ko. Nang nasa tapat na namin si Shades, kahit labag sa loob ko ay itinulak ko si Daniela. Ayun tumama sya sa dibdib ni Shades.
Sumubsob ang bruha sa dibdib ni Shade. "Aray! Bakit ka ba nanunulak!? Muntanga naman to! Sorry Shades, eto kasi tinulak ako, di ata naturuan ng good manners at right conduct. Sorry talaga." Inayos ni Daniela ang sarili bago tumingin sakin ng masama na para bang hindi nya ako inutusan na itulak sya. Tumingin rin saakin si Shade ng masama pero nung nakita nyang buo ang mukha ko, bigla syang ngumisi saka naglakad na paalis.
Weird.
Nagsialisan na rin yung mga babae nang mawala sa building namin sina Phil. Thankgod di nya ako nakita. Pero bakit naman ako nginisian ni Shade? Adik, close ba kami?
"Fita thankyou! Ang bango ni baby Shade. Next time ulit ah?" Inirapan ko lang si Daniela. Ayoko na ngang ulitin yun. Baka ngisian na naman ako ni Shade eh. Ang creepy kaya.
Naglakad na lang ako pauwi since na malapit lang naman sa school yung subdivision namin. May sundong kotse si Daniela eh.
Habang naglalakad ako, nadaanan ko yung court ng St. Eldes, nang makita kong may nagpapractice sa loob, naglakad ako ng mabilis paalis.
