Its been five days. Five fcking days since I last talked to Phil.
After that day, hindi na sya pumunta pa ng bahay. Oo, pumunta nung isang araw sa bahay sina Ivan pero hindi nila isinama si Shade, pati si Phil, wala rin.
Maybe he's busy with Catherine.
Yeah, maybe he is.
Pero sana hindi, jusme!
Iniisip ko pa lang na kausap nya si Catherine, nanginginig na mga kalamnan ko.
Nakaka hmpk!
Nandito ako ngayon sa school. Today is Saturday at pumunta ako dito para ipasa yung project namin. Ang sabi hanggang Tuesday lang daw, but who cares? Pasalamat na lang yung teacher namin at nagpasa pa ako ng project na pinapagawa nya. Eh yung iba nga nyang studyante hindi nagpasa e!
Pumasok ako sa faculty at hinanap ang nakaksurang mukha ng teacher ko. Nang makita ko sya, agad akong ngumiti at lumapit.
"Ma'am here's the compilation of our lessons in First Grading. I'm sorry for the delay of my submission. An emergency came up." Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Tango lang ang ibinigay nya sakin.
Hmpk!
Pangit naman.
Kinuha ni Maam yung clearbook ko at inilapag iyon sa isang table na puno ng iba pang clearbooks.
"Tell me Ms. Vadia, what emergency is it? Na halos kalimutan mo na ang deadline na ibinigay ko sa inyo. Alam mong hindi na ako tumatanggap ng projects na lagpas na sa deadline na ibinigay ko but since sinabi mong may emergency, tell me. What emergency is it?"
Kasi Ma'am, five days ago, may anghel na kumausap saakin at balak na ata akong dalhin sa langit dahil halos atakihin ako sa puso nang kausapin nya ako. Nahulog pa nga ata yung panty at bra ko dahil sa kakatawa nya at kakangiti jusme. Tapos pagkatapos ng araw na yon, hindi ko na sya nakita. Baka kinuha na sya ni Lord. Tapos yung mga demonyo nyang kaibigan, bumalik sa bahay at nambulabog. Kaya ayun.
"It's confidential Ma'am. I hope you understand." At ngumiti ako, ULIT. Hindi ko pineke yung ngiti ko, malalaman nyan malamang.
"Tao ba yung sanhi ng emergency mo?" Tanong ni pangit.
Mabilis akong tumango. "Opo!"
"Alam mo dapat sa mga taong ganyan, na walang naidudulot na mabuti..." Tukoy nya dun sa 'taong' sanhi kuno ng emrgency ko. "dapat mawala na lang sila sa mundo."
Ikaw pangit, gusto mo ikaw na lang mawala? Ha?
"Hayaan na lang natin Ma'am yung taong yun. Wag na nating isiping mawala sila sa mundo at baka ikaw ang mawala sa earth ngayon mismo."
"Anong sabi mo?"
"A-Ah sabi ko Ma'am, kamukha nyo yung taong dahilan ng emergency namin. Kaso mas pangit ka nga lang." Hininaan ko yung last sentence.
"Kamukha ko?" Gulat na tanong ni pangit.
Ofcourse not!
Tangina ang gwapo gwapo ni Phil no!
"Medyo kamukha mo Ma'am." Nakangiwing sabi ko.
Agad na rin akong umalis mg school at dumiresto sa bahay nila Daniela.
Well, nasa bahay na naman kasi ang mga inutil at nagmumukha na rin akong inutil kapag kasama ko sila. Hahayaan kong magdusa mag isa yung bahay dahil sa kanila.
Jusmeng mga salot.
Nagdoorbell muna ako ng ilang beses bago ako pagbuksan ng pinto ni Yaya Nel. Ang mayordoma ng bahay nila Daniela.
