<03>

9 0 0
                                    

"Fita have you heard the news? Pupunta daw yung representatives ng St. Eldes dito ngayon! I'm freakin' excited." Inis kong tinanggal ang kamay ni Daniela sa braso ko. Kanina pa ko niyu-yugyog.

"St. Eldes lang ba? How about the others?"

Dito kasi, may apat na schools na magkakalapit. My school, St. Andrews. Then St. Eldes, which is Phil's school. St. Claire, school only for  girls. St. Joaquin, school for boys. Bale yung St. Andrews and Eldes lang ang school for both girls ang boys.

Kapag yung apat na schools ay hindi masyadong busy, lalo na ang St. Eldes, marami kasing sporty sa school na yun kaya puro competitions kaya laging hectic ang schedule ng school. Every school has their representatives, bawat rep. pupunta sa tatlo pang schools to observe school's cleanliness. Kung anong school ang pinakamalinis, yun ang panalo. Panalo? Yung mga matatalo kasi, magdodonate sa nanalong school. Yung perang dinonate, gagamitin sa pagpapaganda pa lalo ng school.

Wag na nga kayong magpa explain sakin. Magulo ako mag explain.

Ewan ko kung kailan nagsimulan yung kaeng-engan ng mga Head ng bawat schools. Basta isang araw nagulat na lang kami, may ibang students na, na nakapasok sa school namin.

"Ang alam ko, bukas pa daw yung St. Joaquins kasi may supervisor sa school nila ngayon."

Napatango na lang ako. So ngayon yung St. Eldes? Sana kasali ulit si Phil sa mga representatives ng school nila.  But I'm sure he is, running for valedictorian kaya yan. For sure kasali ulit yan sa mga reps.

"How 'bout St. Claires?"

"Wala pa daw napipiling reps, ang aarte kasi ng mga babae dun."

Yeah, I remembered last time, ang pabebe ng mga pinadala from St. Claires, puro reklamo na ang init daw. I hope mas matitino yung gawin nilang rep ngayon.

"Oh, okay. E satin? Sinong napiling representative satin? Last time it was Lucy Tan and company. Sana ngayon iba naman."

Umakyat na rin kami sa room namin nung nagbell. Buti naman, halos isang oras na kaming nakatunganga sa grounds. Ang aga ko kasing pumasok, and I blame Kuya for that. Inadvance ng two hours yung alarm clock ko, bwisit.

Nang natapos ang dalawang oras sa dalawang boring na subject ng dalawang boring na teacher, pumunta na kami ni Daniela sa canteen. Who said were not friends? Oh, ofcourse we are not. Because we are Best of Friends.

"Ano sayo Fita, ako na magoorder." Nakangiting sabi ni Dan.

"Bakit, ikaw magbabayad?" Tanong ko. Pero alam kong hihindi yan, dakilang kuripot yang mayaman na yan.

"Why not? Now tell me what your order is before I change my mind."

For real?

"Are you really Daniela Suralta? Or you're just possesed by a fucking spirit?" Kinuotan nya ako ng noo at tumalikod na kaya mabilis kong sinabi yung order ko, mahirap na at baka magbago isip nito. "One fries, burger, yung malaki. Then spaghetti tapos water. Ayoko ng softdrinks okay. Tapos 3 tuna sandwich." Iuuwi ko yung dalawang tuna sandwich sa bahay.

Inirapan nya ako, "Grabe Fita, hindi ka bibitayin." Umalis na rin sya pagkatapos.

Bakit kaya nanlibre yun ngayon? Madalas KKB kami, pero kung librehan ang usapan, mas madalas akong manlibre samin. Kaya nung sinabi nyang ililibre nya ko, edi nilubos ko na. Kahit gusto ko pa ng ice cream at Pic A na chips.

Wala namang nangyaring kakaiba ngayon sa canteen. Walang nagsabunutan, nagsuntukan, nagsigawan, nagtapunan ng pagkain.

What? That's normal. Kaya pag may ganyang pangyayari sa canteen, wala na kaming pakielam. Sanayan lang.

Pagkatapos naming kumain, pumunta muna kaming library ni Daniela. May kukunin daw syang libro. Pagpasok namin sa Library, walang tao, well hindi na ko magatataka. Nasa gym ata silang lahat para makita yung reps ng St. Eldes ngayon. Gusto ko ring pumunta kaso nahihiya pa rin ako kay Phil. Baka naturn-off sya sa ginawa ko kay Ivan.

"Dan, tapos ka na ba?" Kung saan saang book sections na kami pumunta, pero mukhang hindi pa nahahanap ni Dan yung librong yun.

"Hindi ko mahanap Fita, wait." Iniwan nya ko at pumunta sa kabilang shelf. Ano bang hinahanap na libro non?

Umupo ako sa pinakamalapit na lamesa habang naghihintay kay Dan. Inilabas ko na lang yung cellphone ko at nag facebook.

Halos mabitawan ko yung phone ko sa nakita.

        Phil Tranco
Confirm // Delete Request
     
"Oh... my... goodness." Is this for real? Inadd nya ko? How come he knows my name? Ini-screenschot ko muna bago kinonfirm. Mahirap na, baka magbago isip non tapos i-cancel yung friend request nya sakin.

"I found it!" Rinig kong sigaw ni Dan sa kung saan. Nag 'shhh' naman samin yung librarian.

Nang makalapit sakin si Dan, agad ko syang hinampas sa braso. "Ang ingay mo."

Nagpeace sign lang sya. Napatingin ako sa librong hawak nya. Book of Articles?

"What the heck is that Daniela? Kailan ka ba nagbasa ng Articles?" Anong articles naman kaya 'yan.

Imbis na sumagot ay nagkibit balikat na lang sya. Lumabas na rin kami pagkatapos. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung pag-add sakin ni Phil.

Ang swerte ko syet.

"Mukha kang tanga Fita. Mind telling me why you're smiling like an idiot?" Tinignan ko sya. Ngumingiti ako? Di ko napansin.

Kinikilig kong ikinwento sa kanya yung nangyari. Tumawa lang sya at sinabing 'ang babaw ng kaligayahan mo.'

Hell, mababaw na kung mababaw. Bihira na lang yung ina-add ng crush no.

Pumunta na kami sa room, as expected walang tao. Pati teacher namin wala. Umupo ako sa upuan ko at nag cellphone na lang. Ayoko nang maki siksik sa gym no, respeto sa kahihiyan ko.

Sinaksak ko sa tenga ko yung earphones at binuksan yung Facebook na app.

Ma stalk nga si Phil.

NP: Almost is Never Enough by Ariana Grande.

Tinype ko sa search box ang pangalan ni Phil.

Phil Tranco

Search!

Una kong tiningnan yung profile picture nya. There he is with his teammates. Nasa gitna sya habang may hawak na bola. Team Captain kasi sya.

Matalino, gwapo, sporty, may abs, gentleman, mabait, syet package! Nalaman kong may abs kasi minsan pagkatapos nilang magpractice, nagtatanggal yan ng damit. Yung pang ibabaw lang ah. Wag ano.

Nagulat ako ng biglang may humigit ng earphone sa kaliwang tenga ko. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sakin ang nakapameywang na si Daniela.

"Uupo ka na lang dyan? Tara sa gym!" Hinila nya ako patayo at hinatak palabas ng room.

"Saglit–aray! Hoy hinayhinay naman Daniela! Aray bwisit!" Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa pulsuhan ko.

Ang sakit!

Galit ko syang tinignan habang turo-turo yung wrist ko na may bakat ng kamay nya. "Tignan mo yung ginawa mo. Epal ka! Epal!"

Maputi ako kaya halatang halata yung bakat ng kamay ni Dan. Nag peace sign lang ang gaga. "Mag-iikot na kasi yung representatives, tapos mag sastart na yung class natin maya-maya, edi hindi na natin sila makikita kaya leggo!" Hinila nya ulit ako pero this time maluwag na yung pagkakahawak nya sa wrist ko. Nagpaubaya na lang ako, gusto ko rin namang makita si Phil kahit nahihiya ako.

Teka?

"Pst, Dan. Sino-sino ba ulit yung reps ng St. Eldes?" Hindi ko alam kung kasali ulit si Phil.

"Ah, same person. Ivan, Tony, Shade saka si Phil. Apat na lang kinuha nila."  Napatango na pang ako. Pero what the hell, pati yung Ivan?

Omy.

Sisiguraduhin ko talagang hindi nila ako makikita.

No way!

My Playboy (Playboy Series #1)Where stories live. Discover now