Halos araw-araw na sa bahay sina Ivan, kulang na lang ay duon na sila tumira. Nagyaya pa ngang mag overnight kaso hindi pumayag si Papa.
"Hindi kami makakatulog sa ingay nyo." Ani papa.
Hindi ko na rin nakita si Daniela, balita ko'y tinuturuan na nyang magluto ng pancake. Natawa pa nga sina Kurby dahil nagpaturo pa si Shade, e pancake lang naman yon.
"So, how's school?" Tanong ni Mama. Nandito kami ngayon sa kusina at kumakain.
"Well, gagraduate na ako." Tapos nag pogi sign si Kuya. "Nanganak na yung adviser namin e."
"How about you, Railey?"
Napairap ako sa tinawag sakin ni Papa.
"It's Fita, pa. Not Railey." May diing sabi ko.
"What? I gave you that name, maging thankful ka naman." Humalukipkip si Papa. Tumawa kami sa sinabi nya.
"Yeah, gusto nya pa ngang bigyan ka ng third name, Daisy daw." Tapos ay si Mama naman ang umirap.
"Really? Daisy? Fita Railey Daisy Vadia. That's too long." Umiling si Kuya. Ganon din ang ginawa ko.
"Wala yon sa pangalan ng daddy nyo. Arnold Fernon Albert Keny Vadia. Halos hindi na nga magkasya yung pangalan nya sa Birth Certificate e, kung hindi pa liliitan yung font." Tumawa na naman si Mama.
"Lahat kayo may second name, while me?" Kuya crossed his arms over his chest.
Koby Vadia.
"What's wrong with your name?" Tanong ni Papa.
"It's too short!" Ani Kuya.
Mom laughed. "Bakit? Katulad lang ng pangalan mo yung itlog mo nung bata ka nak, masyadong maiksi."
"Mom!"
Tawa lang kami ng tawa. Madalas wala sila Mama pero pag nakasama namin sila, solid talaga.
Umiling lang si Kuya at bumulong.
"Maliit daw, malaki kaya."
Bigla akong nasamid sa sinabi ni Kuya. Bulong lang yon pero narinig ko dahil magkatabi kami sa lamesa.
"You okay?" Tanong ni Papa. Tumango ako.
"You're disgusting, Kuya." Bulong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya at tumingin sakin.
"Narinig mo?" Namumulang tanong nya. Tumango ako. Bigla syang ngumisi. "Totoo yon, tanong mo pa sa ex girlfriend ko." Tapos at tumawa sya. Ako naman ngayon ang nanlalaki ang mata.
Oh my god.
Ipinilig ko ang aking ulo nang may ideyang pumasok sa utak ko.
Tanong mo pa sa ex girlfriend ko.
God, bakit ba ang green minded ko?
Pagkatapos namin mag almusal ay umalis na rin sila Mama. Kami na lang ngayon ni Kuya sa bahay.
"Aalis ka ba Kuya?" Tanong ko habang nililipat ang chanel sa Tv. Umupo si Kuya sa tabi ko.
"I'm not sure, why?"
"Wala lang."
"Si Daniela?"
"Hindi ko pa nakikita. Baka na kila Shade pa. Or baka namatay na sa kilig." Nang makita kong maganda ang papabas sa HBO, binitawan ko ang remote at itinutok ang mata sa Tv.
"Lakas tama din yang si Dan kay Shade no?"
"Yeah."
Biglang nagvibrate yung phone ni Kuya.
