Tili dito.
Tili doon.
Ganyan naman talaga pag may poging dumaan diba? Kung maka 'Kyaaa' akala mo end of the world na. May napapala ba sila dyan? Wala na ngang napapala, namamaos pa. Ako? Never in my entire life na tinilian ko ang isang lalaki. Yes nagka-crush ako pero hindi naman OA. Yung halos maglupasay na sa harap ng mga lalaki, kulang nalang magbold.
Desperada?
Yan yung nakikita ko sa mga babaeng kulang na lang pati magulang nung lalaki gawan nila ng Fans Club para lang mapansin sila. Seriously, adik ba sila?
Obsessed?
Patay na patay?
Nahuhumaling?
Pakamatay na sila.
Marami akong kilalang ganyan. Or should I say, 'na-encounter' na ganyan. Yung feeling girlfriend? Over protective, eh hindi nga sila kilala nung crush nila. Sila yung nakakatakot, parang mga baliw na ewan.
Pero walang tilian, desperadahan, at obsessed-an kung wala yung mga lalaki:
Mahangin.
Sila yung nuknukan ng yabang. Daig pa Wind Mill sa kahanginan. Sila yung madalas mag selfsupport.
Feelingero.
From the word itself, 'feeling' or assuming. Tignan mo lang saglit, sasabihing crush mo na sya.
Paasa.
Akala mo naman gwapo. Tuwang-tuwa pa kapag nakakapagpaasa sila. Yung mga babae naman, aasa tapos iiyak. Gaga lang?
Playboy.
Mayabang, feelingero, paasa. Mga lalaking nangongolekta ng babae. Sila yung may Gf #1, Gf #2, Gf #3 hanggang Gf #158. Sa sobrang dami, iisa nalang ang naging pangalan, 'Babe'. Yung mga babae naman, kilig na kilig. So payag sila na 'Babe' sila? Ano baboy?
At syempre...
Fuckboy.
Mayabang, feelingero, paasa, playboy. Totnak sabay alis. Mga lalaking hindi makapagpigil. Malilibog. Walang respeto. Yung mga babae naman, magpapadali tapos iiyak. Wala na yung daw Vcard nila. Hinayupak.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaa!"
Back to the real world.
Nakatakip ako ng tenga habang nagbabasa. Pumasok lang ba sila sa school para tumimili?
Inis kong isinara ang binabasa kong libro na 'Suicide Notes'. Wala akong naintindihan sa binabasa ko, puro tili naman kasi yung naririnig ko.
"Bes mahihimatay na ata akooo!"
"Okay lang yan!"
"Bakit kasi ang pogi ni Kurby!? Kyaaaa!"
"Be mine please!"
"Kurby!"
Kurby, Kurby, puro nalang sila Kurby. Kapag pinansin ba sila ng Kurby na yan, papasa sila sa exam? Tataas ba grades nila sa Math? Hindi naman diba? Kahit babae ako, naiintindihan ko yung mga lalaki. Girls are really complicated, I can't understend them, too. Ako lang ata yung nag-iisang mulat sa realidad.
Kurby Sio Felix.
Ano bang meron sya at halos lahat ng babae gusto sya?
Oo halos, kasi ayaw ko sa kanya.
Ganon naman palagi diba?
May nag-iisang babae na ayaw sa lalaki, tapos macha-challenge yung boy kaya liligawan nya yung girl then Boom!
