<09>

4 0 0
                                    

Akala ko uuwi na sila Phil pagkatapos mag Movie marathon kaso mukhang mali ako.

Nandoon silang lahat sa kusina. Gusto daw nilang magluto. Jusme, nagsama-sama ang mga salot sa kusina.

"Hoy bago lang yung mga appliances dyan. Maawa naman kayo." Nakaupo lang ako sa sofa. Ayokong pumunta sa kitchen, hindi ako makahinga ng maayos dahil nandon si Phil.

"Ang hard mo naman Fita. Wala ka bang tiwala samin?" Tanong ni Pill habang nakahawak sa dibdib nya.

"Wala. Nasunog yung condo na tinitirhan nyo ni Billy dati diba? Kasi nagluto kayo." May condo kasi sila, don sila nagsasama-sama. Si Pill, Billy, Shade, Kuya, Phi, Kurby, Ivan, Tony, at Hei. Squad sila e. Pero mas madalas don si Pill, hindi kasi pwedeng mawalan ng tao yung condo nila, ewan ko kung bakit. Ngayon may bago na silang condo.

Umakyat na lang ako sa kwarto since na ayokong masaksihan kung pano sumabog yung kusina. Hays, mukhang kailangan na naman naming bumili ng bagong gamit sa kusina. Nag facebook na lang ako, mula dito sa kwarto ko, rinig na rinig ko yung sigawan nila.

"Bobo mo Shade, bakit sa kaldero ka nagluto ng pancake? Dapat sa kawali!"

"Magpakulo lang ata ng tubig yung kaya nyong gawin e."

"Yabang ni Kurby oh. Ikaw nga hindi mo kayang magbukas ng kalan e."

"Hoy mga inutil, yung pancake sunog na. Nangingitim na oh."

"Chocolate pancake yan, ungas. Malamang itim yan."

"Oo nga no."

"Inutil."

Nag earphones na lang ako para di ko sila marinig. Mga inutil silang lahat.

NP: A Little Too Much by Shawn Medes

Nag twitter na lang ako. Trending ngayon yung #Mabuhay BTS.

Kpop eh?

Pinatay ko na lang yung phone ko.

Oo pinatay, sinaksak ko ganern.

Ang boring naman. Ano kayang pwedeng gawin?

Ay may ikukwento ako sa inyo.

Biglang may kumatok, epal talaga si Kuya oh, kung kailan may ikukwento ako e.

Padabog akong tumayo ay binuksan ang pinto.

"Ano ba Kuya, wala ka na naman bang mapagsasabihan ng kung gaano ka kagwapo kaya iniistorbo mo na naman ako? Nanggigi–" Napatigil ako nang magpagsino ko yung kumatok. "Oh my god..."

Its not Kuya, its Phil.

The gorgeous Phil Tranco is infront of me.

"A-Ah ikaw pala..." Medyo akward na sabi ko. "May kailangan ka?"

He chuckled, Omo ang pogi nya. "Grabe, nakakatakot ka pala maging kapatid. By the way, bumaba ka na daw, luto na yung pancakes."

Tumango ako saka pumasok ulit ng kwarto ko. Icha-charge ko muna yung phone ko. Tumingin ako sa pinto at nakitang nandoon parin si Phil.

Bago pa ako makapagtanong. Nagsalita na sya. "I'll wait for you. Sabay na tayong bumaba." Then he smiled.

Mga bes, nakita nyo ba yung panty ko? Kulay blue ha. Nahulog ata e.

Mabilis kong plinug yung charger, nang makita kong nagcha-charge yung phone, lumapit na ko kay Phil.

"Halika na." Sabi ko. Sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Pancakes for snack?" Tanong ko.

Tumango naman sya. "Yeah, I prefer pancakes for breakfast."

"Me too."

My Playboy (Playboy Series #1)Where stories live. Discover now