Akala ko hindi na ulit ako ichachat ni Ivan, kaso mali ako. Grabe hindi nya ko tinantanan kagabi! Ang resulta, 1 am na ako nakatulog at puyat ako ngayon.
Feeling close na nga sya e.
"Fita mamaya ata iaannounce yung representatives ng school." Sabi saakin ni Daniela.
Wala pa kaming teacher ngayon.
"Ah talaga? Ow." Bangag na kung bangag. Grrr si Ivan.
Pumikit ako at ipinatong ang ulo sa desk. Grabe inaantok pa ko. Naiisip ko palang kung kama ko, parang gusto ko na lang tumakbo pauwi ng bahay.
Sa sobrang antok ko, hindi ko na pinansin ang pumasok na teacher sa room namin.
Zzzzzzzzz
Hays.
"Ms. Vadia are you listening?"
Ang kama koooo. I hart you talaga.
"Ms. Vadia?"
Anong mas maganda, pizza o kama?
Hehe syempre pizza parin ako no.
I hart you pizza.
"Huy Fita!" Biglang bumalik ang diwa ko nang hampasin ako ni Daniela.
"Ano ba yon?!" Inis kong sigaw. Grabe gusto ko nang matulog e. Epal naman tong babaeng to.
"Gaga si Sir kanina ka pa tinatawag."
Oh.
Ohmy.
Ohmygod.
"Ms. Vadia are you okay?" Tanong ni Sir Maginoo.
"Y-yes sir." Titig na titig sakin yung mga kaklase ko.
Nakakahiya!
"So as I was saying, Ms. Vadia, Ms. Suralta, Ms. Allegre and Ms. Borja are our school's representatives for this year. You may now go. Dumiresto na kayo sa St. Eldes, sunod naman sa St. Claire. Then bukas sa St. Joaquin."
Nagsitayuan na yung mga natawag. Including Daniela.
"Huy halika na!"
Tumayo na rin ako saka inayos yung mga gamit ko.
Bago kami lumabas ng room, may pahabol pa si Sir. "Oh, and take Mr. Felix with you."
Rinig ko ang ibat ibang bulungan ng kaklase ko.
Mr. Felix?
Si Kurby?
Bakit sya kasama? Nako.
Lumabas na kami saka pumunta ng room ni Kurby. Pa VIP ang loko.
Nang makarating kami sa tapat ng room nya, kumatok si Daniela.
"Maam, si Kurby Felix po?"
Hindi ko na narinig yung iba pa nyang sinabi dahil pumunta ako saglit sa Cr. Nagpaalam ako sa isa naming kasama.
Pagpasok ko sa Cr, humarap ako sa salamin.
I really look sleepy. Naghilamos ako saka lumabas.
-
"When are we finished? Dun na tayo sa St. Claire! Mas maraming chicks dun."
Pang 32 na irap ko na ngayon dahil kay Kurby. Kanina pa sya! Hindi nga nago-observe e. I mean oo nago-observe sya, kaso sa mga babae!
Kesyo ang linis daw ng mga hita. Hello? School ang inoobserbahang malinis, hindi ang mga hita ng mga babaeng studyante dito sa St. Eldes.
Yung dalawa naman naming kasama, tahimik lang. Nago-observe lang din sila tulad ko. Si Daniela, sya nagsasaway kay Kurby, nagpapansin na rin yan.
