Chapter Six | Black Card

620 30 14
                                    

Crossfire: Game of Cards
A Wattpad Story

Copyrights © 2017 by SeoulShin

Chapter Six | Black Card

"Goodmorning." Napa-ngiti ako sa unang message na nakita ko sa phone ko noong binuksan ko 'yon. Hindi ko akalain na siya agad yung bubungad sa akin. Nakakatuwa lang dahil ni minsan hindi ko 'to na-imagine. Parang may kung anong mainit ang bumalot sa puso ko.

"Anak, bitawan mo muna yaang phone mo. Kanina ka pa nakatitig diyan." Sabi ni mommy sa dahan dahan ko pinatay yung phone ko. Kinuha ko yung kutsara at tinidor ko ay nagsimula ng kumain. Pasimple akong napatingin kay Theon na nakataas ang kilay na parang nai-intriga sa kung sino mang nag-text sa akin. Binelatan ko siya bago ko binalik yung atensyon ko sa pagkain ko.

"Sino ba nag-text sa'yo?" Akala ko makakaligtas na ako sa mga tanong dahil hindi ako tinatanong ni Theon pero wala akong kawala pagdating kay mommy. Napatigil ako saglit bago ko naharap si mommy, kita ko din yung curiosity niya, akala ko naman simpleng walang malisyang tanong lang.

"Uhmmm.. kaklase ko po." Sagot ko sabay pasimpleng sumubo ng pagkain. Totoo namang kaklase ko si Ace, muntikan na nga kaming maging seatmates kundi lang dahil sa Spade na 'yon ei. At saka hindi naman ako nagsinungaling. Hindi ko lang sinabi 'yung pangalan niya pero hindi naman siguro 'yon masama, hindi ba?

Hindi na ako tinanong pa ni mommy ng kung ano ano at kumain na lang kami ng tahimik, hindi na rin naka-tingin sa akin si Theon na para bang may masama akong ginawa. Paminsan minsan ay tinatanong ako ni mommy about school tapos si Kuya naman ay tinatanong about his work. Naging normal naman yung breakfast namin, like usual.

"Nga pala. May plano ka ba ngayong Saturday, anak?" Tanong sa akin ni mommy. Madalas ang Saturday ko is rest day para sa akin pwera na lang kung mag-aya si Cyan o si Dana na mag-shopping or mag-gala pero sigurado naman ako na wala akong gagawin ngayon weekends.

"Wala naman po." Sagot ko.

"Good, may pupuntahan tayo." Napatingin ako dahil sa sinabi ni mommy, napa-angat din ng tingin si Theon dahil sa sinabi ni mommy, siguro dahil akala niya ay kasama siya sa pupuntahan namin. I'm sure alam naman ni mommy na busy si Kuya lalo na kapag Saturday.

"Saan po mommy?" Tanong ko. Importante ba 'yon?

"Sa Tita Rence mo. Tanda mo ba siya?" Si Tita Rence? Si Tita Florence. Siya yung pinsan ni Tito Raven na kaibigan ni mommy. Isa rin siyang sikat na Fashion Designer sa bansa. Close rin sila masyado ni mommy at sa kanya kami madalas magpa-gawa ng gown kapag may formal occasion.

Teka. May formal occasion kaming dadaluhan?

"Bakit po tayo pupunta sa kanya, mommy?" Tanong ko ulit. Wala naman akong naalala na importanteng nangyari sa company namin, wala rin naman kaming invitation na natatanggap pwera na lang kung may natanggap si mommy ngayon ngayon lang pero lagi naman ako yung unang nakakabasa dahil sa akin una laging ipinapaabot.

"Iniimbitahan kasi tayo ng tita Beatrice mo. They're going to have a party dahil ipapakilala na ata ng Lolo nina Ace ang buong pamilya nila." Sagot ni mommy. Sobrang yaman kasi naman talaga ng pamilya nila. Bukod sa nangunguna ang pamilya ng daddy niya sa pinaka-mayamang businessman sa buong Asia, pumapangatlo naman ang pamilya ng mommy niya.

"This is the first time na nabuo sila ulit, di ba?" Singit namin ni Kuya. Expected na ako na maraming alam si kuya dahil open na siya sa ganitong topic dahil halos matagal tagal na rin siya sa trabaho niya. And being Theon himself, sigurado akong marami rin yaang alam tungkol sa mga pasikot-sikot sa kung ano mang mundo ang ginagalawan nila.

Crossfire: Game of CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon