Crossfire: Game of Cards
A Wattpad StoryCopyrights © 2018 by SeoulShin
Chapter Forty Two | Back
"Mom, we're in a relationship."
I balled my fist dahil sa narinig kong sinabi ni Theon kay mommy. Narinig ko ang pagsinghap ni mommy dahil sa sinabi ni Kuya. Nakatungo lamang ang ulo ni Cyan at ni hindi man lang itinama yung sinabi ni Theon. She should've said something. Ang akala ko ba ay wala na sila pero bakit hinahayaan niya na sabihin at ipagpaalam ni Theon kay mommy ang isang relasyon na matagal na palang nagtapos.
"Oh my god, since when?" Napapaluhang tanong ni mommy, napatakip na lamang ito ng bibig para pigilan ang paghikbi. Hindi nakaligtas sa mga mata ko yung pagsalikop na ginawa ni Theon sa mga daliri nila ni Cyan.
It's just so easy to believe na may relasyon nga sila because for me, words are still powerful that actions. It gives you some sense of certainty and it helps you in a way na hindi ka na mahihirapan na mag-isip ng mga pwedeng maging message ng actions ng isang tao. After all, actions can mean a lot of things and can be the root of a lot of arguments and misconceptions.
"We're together for two years." Pinilit kong hindi intindihin ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Theon at pinilit ko na rin na hindi na makialam pa. I know a lot of things and I know better.
"Mga bata kayo. Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Hindi agad nakapagsalita si Theon at ni Cyan. If mom would just try to analyze the situation, hindi siya mahihirapan na malaman na ako ang dahilan at puno't dulo ng lahat ng ito.
"We're sorry. Really. We don't w-want to d-disappoint you." Nauutal na sabi ni Cyan habang pinaglalaruan ang dulo ng damit niya. She's turning into my brother's own little marionette and watching her doing everything that he wants really irritates me.
Umubo si Theon at pasimpleng tumingin sa akin. "And I thought you wouldn't approve." Sabi niya pa. Alam ko at alam rin naman nilang tatlo na ako yung pinapatamaan niya.
"Oh you two. Bakit naman hindi ako sasang-ayon sa relasyon niyo? I'm actually really happy na out of all the girls ay si Cyan ang natipuhan mo." I can see the relief in Theon's eyes ng marinig iyon kay mama. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nararamdaman ni Cyan.
"Akala ko ay tumaliwas ka na sa landas ng pagkalalaki, anak." Natatawang sabi ni mommy na marahang ikinatawa ni Cyan at kinunotan ng noo ni Theon. Hindi ko alam pero imbes na makisali ako sa kanila at talagang naiinis ako.
"Mom, please. Not in front of Cyan, ok?" Nagtatampong sabi ni Theon. It looks like they are finally having a good time. I expect this from mommy. Alam ko namang noon pa man ay talagang malapit na rin ang loob ni mommy kay Cyan. And hearing the news na girlfriend ni Theon si Cyan really is very pleasing to hear.
"Theon, Cyan is like a family to us. It's not new to her now." Marahang tinapik ni mommy ang balikat ni Cyan na ngayon ay naka-ngiti habang pinagkakaisahan si Theon. I really want to join them, gusto ko ring asarin si Theon. I want to be part of it, but the other part of me doesn't want to get involve. Nagtatalo yung inis at pagka-irita sa sistema ko.
Tumayo ako mula sa aking inuupuan at dumiretsyo sa may pintuan.
"That was before, she's my girlfriend now." Sabi ni Theon and possessively wrapped his arms sa may bewang ni Cyan. Hindi naman nila napansin yung pagtayo ko kaya dire-diretsyo na ako sa may pintuan.
"Alright, alright." Mom raised both of her hands in defense. That's the last thing I heard bago ako lumabas ng tuluyan ng kuwartong iyon. I really can't accept Cyan's decision. If she doesn't love my brother anymore, bakit kailangan niya pang gawin 'to? Just break up with him already, end of the story. How hard could that be?
BINABASA MO ANG
Crossfire: Game of Cards
Action[Bulletproof Series no.1] Crossfire: The Game of Cards BlackPink and Bangtan Boys (Kim Jisoo || Kim Taehyung) Language: Tagalog, English