Crossfire: Game of Cards
A Wattpad StoryCopyrights © 2017 by SeoulShin
I'm sorry for the long wait everyone.
Chapter Twenty Seven | Can You?
Umalis ako. Iniwan ko si Ace mag-isa sa bahay. Ayoko muna siyang makita at higit sa lahat, ayoko siyang makausap. Saradong sarado ang isip ko, pakiramdam ko ay mauuwi lang sa pag-aaway kung mananatili kami sa isang lugar.
Kaya naisipan kong ako na lang muna ang umalis, dahil nasasakal pa rin ako sa loob ng bahay na iyon kahit hindi ko naman nakikita si Ace.
Hindi ko alam kung anong balak niya. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?
Sino bang niloko ko? Kailan pa nagloko si Ace? Seryoso 'yon sa lahat ng bagay lalo na't sa ikaliligtas rin namin itong dalawa.
Sobrang nakakasama lang ng loob, sa sobrang daming isinakripisyo ko sa kanya, dito lang kami mauuwi. Babalik rin kami sa dati, ang masama pa ay mabubuwag ang pagkakaibigan namin.
Naiisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung bakit pero totoo.
Dumiretsyo ako sa bahay nina Sula. Buti na lang at maayos ang damit na suot ko at saka dala dala ko na rin ang regalo ko para kay Ruela, hindi ko na kailangang bumalik sa bahay. Ayoko talaga munang makita siya.
"May problema ba, Ella?" Nabalik ako sa aking sarili ng tapikin ni Sula ang balikat ko. Kita ko yung concern sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Ayos lang ako." Pilit akong ngumiti pero mukhang hindi ko naman siya nakumbinsi.
"Kanina ka pa tahimik tapos parang ang lalim pa ng iniisip mo. Seryoso ka bang ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan yung kamay ko para i-comfort. Napabuntong hininga ako.
"Si Kiel kasi eh." Hindi ko maiwasang mapaluha. Bakit ko ba iniiyakan ang lalaking 'yon? Wala nga siyang pakialam sa akin eh.
"Nag-away ba kayo?" Tanong nito. Napatango ako.
Ganito pala kapag nag-aaway, kahit na gusto mong kausapin siya hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano. Nag-aaway naman kami ni Cyan at Dana noon pero never to the point na hindi kami nag-uusap. At saka kung alam namin na nagkasala kami o kami yung nagsimula, agad rin naman kaming mag-sorry sa isa't isa.
Tama nga sila, napaka-complicated ng mga lalaki.
"Anong bang ginawa ni Kiel na pinag-awayan niyo?" Tanong nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Sula yung totoong nangyari. Gusto ko talaga ng kausap ngayon, if Cyan is here, everything will be better dahil alam niya kung paano pagagaanin ang loob ko.
"Gusto niyang bumalik na kami sa Maynila." Mahina kong tugon. Kita kong natigilan rin siya sa sagot ko.
Tumikhim ito. "Bakit? May problema ba kayo? Hindi ba kayo sanay sa ganitong buhay? Hindi ba kayo masaya dito?" Sunod sunod na tanong niya sa akin. Napailing ako, kung ano man ang dahilan niya, wala rin akong ka-idedeya.
"Hindi ko rin alam, Sula." Napabuntong hininga ako. "Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya."
Napailing ito "Dapat pinag-uusapan niyo yaan. Baka yaan pa ang maging ugat ng paghihiwalay niyo." Sabi nito. Hindi ko alam pero parang may pumisil sa puso ko dahil sa sinabi ni Sula.
BINABASA MO ANG
Crossfire: Game of Cards
Action[Bulletproof Series no.1] Crossfire: The Game of Cards BlackPink and Bangtan Boys (Kim Jisoo || Kim Taehyung) Language: Tagalog, English