Chapter Thirteen | One Wrong Move

404 18 3
                                    

Crossfire: Game of Cards
A Wattpad Story

Copyrights © 2017 by SeoulShin

Chapter Thirteen | One Wrong Move

Nagising ako dahil sa init ng sikat ng araw na tumama sa mukha ko, minulat ko ang aking mata, ng hindi ko agad nakilala ang kapaligiran ko ay isinunod ko ang isa.

Teka? Nasaan ako?

Agad akong bumangon. Iba na rin ang suot kong damit. Iniikot ko ang aking mata sa loob ng kuwarto, bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

He saved me. Ace saved me last night.

After we talked, tinawagan ko si mommy para sabihin na hindi ako makakauwi. I even asked Ace to talk to her para sabihin sa kanya na ayos na ako, we're too exhausted to even drive and it was almost 2:00 na rin in the morning noon, pumayag naman siya.

Dito niya ako pinatulog sa room niya, may isa pa kasi siyang room na bakante para sa mga bisita niya, minsan ay sa mga kaibigan niya na bumibisita sa kanya, doon siya pansamantalang natulog.

I borrowed one of his shirt, sa sobrang haba noon ay nagmukha iyong dress sa akin. Tapos short na medyo pinagliitan niya, humiram na din ako ng hoodie para hindi ako mukhang naglalakad na hanger dito, dumiretsyo agad akong sa CR niya para ayusin ang sarili ko. Fudge! Toothbrush niya lang ang nandito.

Ng makalabas ako ng kuwarto niya ay tahimik lang ang buong unit niya. Baka natutulog pa rin siya hanggang ngayon. Napag-desisyunan ko na lang na magluto, marunong naman ako magluto lalo na kapag day off ng mga katulong namin at saka pinag-aralan din naman namin 'to sa school noon.

I cooked pancakes, bacon pati na rin egg. Patapos na ako sa pagluluto ng fried rice ng biglang marinig kong nagbukas sarado ang pintuan ng kuwartong tinutulugan ni Ace. Agad kong minadala ang paglalagay ng fried rice sa may bandehado at inilagay iyon sa may dining table.

"Good morning." Bati ko ng makita ko itong papalapit sa may dining table, kinukusot pa nito ang kanyang mga mata habang naglalakad pabalik. Hindi ko mai-alis ang tingin sa kanya. Why does he have to look good even in the morning? Ang unfair lang, nag-mukha pa siyang model ng pajama dahil sa itsura niya ngayon.

"Good morning." Bati niya, he smiled at me showing me his dimple in his cheek. I smiled back. Gosh! Hanggang ngayon nare-realize ko pa din kung bakit ang daming humahanga sa kanya bilang isang artista. He's really good looking.

He looks like a hero straight out of a manga, I remembered reading one back in elementary, he really looks like one.

"You cooked all of these?" He asked. Napatingin ako sa kanya. Nope, I glared at him.

"Syempre naman, ako lang naman nandito. Di ba?" Natatawang tanong ko sa kanya. Inabutan ko na rin siya ng kutsara at tinidor pati na rin ng plato.

"I didn't know you can cook and it all looks good." Sabi niya habang nakatingin sa mga pagkain na niluto ko.

"Thank you." Dagdag pa nito bago umupo sa may bakanteng upuan sa tapat niya.

"Ngayon lang ulit ako nakakain ng lutong bahay." Napatingin agad ako sa kanya, ineexpect ko na nagloloko lang siya pero noong tumingin ako sa kanya ay mukha naman siyang seryoso.

"Talaga? Hindi ka ba nilulutuan ng mommy mo?" Tanong ko sa kanya. Kahit busy si mommy sa trabaho, she always make a point na paglulutuan niya kami ng pagkain or kaya tutulong siya sa mga maid para magprepare ng hapag kainan.

Crossfire: Game of CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon