Chapter Three | Trio In Black

670 27 9
                                    

Game of Cards
A Wattpad Story

Copyrights © 2017 by SeoulShin

Chapter Three | Trio In Black

"Wag mo na akong i-hatid. Baka malasin na naman ako." Bungad na sabi ko kay Theon na ngayon ay kumakain na sa may dining table. Natatawang tumingin siya sa akin at umiling. Bakit lagi ata siyang maaga ngayon? Tuwing lalabas naman ako ng kuwarto ko lagi naman siyang tulog pa, minsan naman nasa trabaho na.

"Talagang malas ka lang." sabi niya sa akin habang kinakain yung pagkain niya sa plato niya. Lahat na ata ng nahawakan kong bagay ay naibato ko na sa kanya. Ano kayang pwede pang ibato dito sa lalaki 'to?

Umupo na ako sa upuan ko. Dumating na rin si mommy na may dalang dalawang sandwich na galing sa kusina, pansin ko lang din na palagi na lang si mommy yung nagluluto ng agahan namin ni Kuya.

"Hindi mo ba talaga kilala si Ace, anak?" Nagtatakang tanong sa akin ni mommy. Kahapon pa sila ni kuya na pinag-uusapan si Ace noong sabihin ko sa kanila kung ano yung nangyari sa akin kahapon sa school.

"Kilala ko naman siya. He's everywhere in school, kahit saan ata ako pumunta ay siya ang usap usapan." Sabi ko sa kanya sabay kagat doon sa sandwich na nasa plato ko.

"I mean, bukod doon, bukod sa pagiging artista niya. Hindi mo talaga siya naalala." Pagpipilit ni mama. Kahit paano o kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maalala si Ace, meron ba kaming koneksyon bukod sa pagiging magkaklase?

Umiling na lang ako bilang tugon.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni mommy. Kagabi kasi inisip ko talaga kung sino siya, tiningnan ko lahat ng album sa kuwarto ko kasi baka mamaya makatulong 'yon sa akin kasi hindi talaga, picture lang ni lolo at lola tapos si Mama at kuya ang meron ako.

Yung ibang picture naman ay mga picture noong bata pa ako. Picture na kasama si Tita Beatrice (yung nagpangalan sa amin ni Theon) at ang asawa nito na si Tito Gab (kung saan galing ang pangalan ko), Si tita Lorraine, si Tito Rave, si Tito Thy (kung saan galing ang pangalan ni kuya) at kung sino sino pa, pero wala ring Ace doon.

Nafru- frustrate na ako actually.

Tahimik lang yung naging breakfast namin. Hindi na rin ako kinukulit ni Theon dahil busy siya habang binabasa yung mga papel sa may lamesa, I'd rather not disturb him sa ginagawa niya, baka ako pa mapagalitan ni mommy.

After all, siya naman ang magbubuhat ng paghihirap para patakbuhin ang kumpanya at ako naman, gagawin ko ang gusto ko sa buhay at iyon ang pagiging writer ko.

"Ma, alis na ako." Paalam ko. Humalik ako sa pisngi niya bago ko kinuha yung bag ko sa may sofa at lumabas na ng bahay, nakita ko si Manong Robert na madaling pinupunasan ang mga bintana ng sasakyan.

"Manong, tara na po." Sabi ko.

"Hindi po ba sasabay si Sir Theon?" Tanong nito, binuksan ko na yung bag at inihagis yung bag ko sa loob bago sumakay.

"Hindi na po ata. Dadalhin noon kotse niya dahil baka daw po gagabihin siya mamaya." Sabi ko. Tumango tango naman si Manong at inayos na ang gamit nito panglinis, ilang minuto lang ay nakaalis na rin kami.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi isipin yung sinabi ni Mama sa akin, baka naman kamag-anak namin siya, baka second cousin ko siya o baka naman malayong kamag-anak pero ka-close pa rin naman.

Crossfire: Game of CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon