Chapter Thirty One | Sorry

215 10 2
                                    

Crossfire: Game of Cards
A Wattpad Story

Copyrights © 2017 by SeoulShin

I'm sorry for the long wait everyone.

Chapter Thirty One | Sorry

After a week, I insisted to go back to school. Ayokong nakakulong lang ako sa bahay, ayoko rin na masyado akong inaalagaan. Wala na namang masakit sa akin, naghihilom na ang mga sugat ko, ayos na ko. Mom was against it at first but she doesn't have a choice anyway. I'm dead serious about what I wanted to do and me, being a little bit bossy lately, want to do everything my way.

For a week, hindi pa rin ako pinapansin ni Theon. He's avoiding me even though he's not very vocal about it. I don't know kung napapansin iyon ni mommy, I'm sure she is pero wala siyang tinatanong o sinasabi sa akin na kahit ano. Hinahayaan niya lang muna kami at ako, because they thought I was the victim in all of this.

Maaga siyang umaalis sa bahay, yung tipong hindi ko na naabutan tuwing gigising ako. Tuwing dadating naman ay sobrang late na, yung tipong tulog na ako. Every weekends, like Saturday, aalis yaan sa dining room kapag alam niyang dadating na ako, he'll say his done with his food kahit na nagsisimula pa lang siya and every Sunday, sasabay siya sa amin sa misa but then he'll be out for lunch, saying he has other plans with his friends.

I know sooner or later, I have to make a move and say sorry to him. But I still don't have the courage, I'm not used to this, I'm all new to this.

Napapansin ko rin na madalas ang pagbisita sa akin ni Kuya Nicolo and daddy. Simula ng ilabas ako sa ospital ay bibisita sila sa bahay, one time dito natulog si Kuya Nico just to make sure I'm alright. Wala atang araw na hindi ko binisita ni Daddy kahit na alam kong busy siya. Wala naman akong narinig na masama tungkol kay Tita Carmi, ang mommy ni kuya Nico at asawa ni daddy.

Ayos na rin 'yon. Alam ko namang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tanggap ni Tita. I'm just a bastard in her eyes, illegitimate. Wala na atang magbabago doon.

I looked at my reflection in front of a human-sized mirror. Suot-suot ang dati mong uniform, pansin ko ang pagbabago sa pangangatawan ko. Halatang nabawasan ako ng timbang dahil kitang kita ang laki ng damit na suot suot ko, imbes na mangitim ako dahil galing ako sa isla, lalo akong namutla. Kita rin ang pagod sa aking mga mata as if I haven't slept for days dahil nangingitim ang ilalim noon.

In short, I look like a mess.

Napabuntong hininga na lamang ako, wala naman akong magagawa. Kinuha ko na yung bag ko sa may kama at lumabas ng kuwarto ko, napatingin ako sa relo ko. I still have an hour bago mag-time sa school. Bumaba na ako, binati pa ako ng ilang kasambahay, medyo naging madami ngang security guard, ang iba ay hinire nina lolo at lola samantalang ang iba ay galing kay daddy. Feeling ko ay naging isang malaking guard house ang bahay namin dahil sa dami ng taong naka-uniporme.

Bumungad sa akin sina Theon at mommy kasama si Kuya Nico na masayang nag-uusap, well si mommy at kuya Nico lang pala dahil mukhang seryoso si Theon sa pagbabasa sa kung ano mang meron sa phone niya. Agad kong nakuha ang atensyon nila bukod kay Theon na hindi talaga tumitingin sa akin.

"Good morning, anak." Lumapit ako kay mommy para humalik sa pisngi nito. Doon ako umupo sa bakanteng upuan na katabi ni kuya Nico. Ayoko kasing lalong maging awkward kung doon ako tatabi kay Theon.

"How're you feeling?" Pabulong na tanong ni kuya Nico sa akin ng makaupo ako sa tabi niya.

I smiled at him, assuring him that I'm feeling fine though I feel empty instead. "Ayos lang." sagot ko sa kanya.

Crossfire: Game of CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon