(Edited)
Raine
Nandito kami ngayon sa Office ni Headmistress, para alamin kung anong next mission.
Pag dating namin doon ay naupo na kami dahil nandoon na ang iba.
"Kayo muna ang mag mimission, pinaiwan ko na dito ang Guardians, para kung may susugod sa Academy ay may mga Mahikero pa rin na malalakas na nandito" sabi ni Headmistress kaya napatango kami.
"Sa ngayon, nawawala pa din ang Luna at Solar Stone, kailangan niyo na matagpuan ang dalawa para mabantayan na ito ng mabuti" sabi ni Headmistress.
"Pero sa ngayon, gusto kong hanapin niyo ang Celestial Pillar" sabi ni Headmistress at may hinagis sa gitna ng Table, meron kasi ditong Long table na kulay Brown.
Bumukas ito at naglabas ng Hologram.
Isang Bilog na Platform, at nahahati ang bilog sa dalawang sides, nakahati ito ng pa- Yin and Yang pero kulay semento lang ito.
"We still don't know kung na saan ang Solar at Luna Stones, kaya hanapin niyo ang Pillar, at mag sesend tayo ng Guards doon, wag niyo din alalahanin ang nangyayari sa Althera Castle, problema iyon ng Higher Magicians at mga Hari at Reyna" sabi a amin Headmistress kaya nagkatinginan kaming lahat.
"May Apat na lugar na pinaghihinalaan kung saan pwede makita ang Pillar" sabi ni Headmistress at agad na may pinindot sa lamesa niya at nagbago ang itsura ng nasa Hologram Screen.
Mapa ito ng buong Althomora.
Nagkaroon bigla ng Apat na Red dots, una itong Zoom In sa may Border ng Ganathara at Zexois, isang Malaking Bundok at sa tuktok noon, sinasabing may Pillar na pabilog at kamukha ng Celestial Pillar, wala na daw nakakaakyat dito dahil sa mga Monsters sa gubat nito at dahil may Isang malaking Guard Monster pa.
Sa susunod na Zoom in ay sa bangdang North, isang isla na tinatawag na Temple of Ocean malamig ang klima dito tulad ng klima sa Ganathara wala ding pumupunta dito, hindi naman nag iisnow doon, sadyang malamig lang.
Wala din gumagawi sa Isla dahil may Sea Monsters naman, Seriously lahat na lang?
Sa susunod naman na Zoom in ay sa dulong Border ng Zakana, sa may Southern Part na, sa Zakana naman ay laging binabagyo, nasa ibabaw na daw ng langit ang sinasabing Pillar sa sobrang taas ng bundok. Wala daw umaakyat dito dahil sa tindi ng klima.
At ang huli naman ay sa isla na malapit sa Halothara na Western part, mas delikado na isla dahil katulad ng Zakana ay masama ang klima sa isla, at sinasabing wala pang nakakatapak dito, kung meron ay malamang hindi na sila nakabalik.
O kaya ay malalakas na mahikero sila.
Agad kaming napalunok sa kaba.
"Ang payo ko ay wag kayo mag hihiwa-hiwalay, kahit mapapabilis nito ang Gawain, delikado ito dahil onti lang kayo, Bibigyan ko kayo ng Apat na Linggo, tog-iisang Linggo sa bawat lugar, lalo na at wala kayong Portal Magician, mahirap na maglakbay, pero walang MAGBABAKASYON!" Hiyaw bigla ni Headmistress na ng-paayos sa mga upo namin.
"Matagal ang misyon na ito, halos isang buwan, bibigyan ko kayo ng Reward kapag natapos nito ito agad at... Sasabihin kong wala na kayong Homeworks sa isang buwan at Seatworks" medyo dismayadong sabi ni Headmistress pero natuwa naman ang lahat at sumang-ayon, mamaya ng madaling araw ang alis namin kaya nag-handa na kami nila Lucas noong dinismiss na kami ni Headmistress, samantalang pinaiwan niya sila Leira at Zero para sa onting paalala.
BINABASA MO ANG
Crystal Academy: The Lost Prince Of Althera
FantasyKung lumaki ka sa mundong nakasanayan mo na at isang araw biglang kailangan mo umalis at mapunta sa isa pang mundo, nakakagulat hindi ba? Mundong kayang labagin ang Law of Physics, napaka impossible, tama ba? Pero sa pinasok ko, lahat ay possible. A...