Chapter 19 : The Return

3.1K 65 6
                                    

(Edited)

Raine

Paggising ay agad kaming pinakain nila Mr. And Mrs. Cervantes, tsaka kami nag-ready.

Kinontact ni Talonn si Headmistress na pwede na kami sunduin gamit ang Teleportation Van na ginamit din namin dati.

"President" lumingon ako kay Aero pati si Talonn ay napalingon.

"Pwede ba natin bisitahin ang Mommy ko?" Nahihiyang tanong ni Aero.

"Oo naman" sabi ni Talonn kaya natuwa si Aero.

Oh! Ang Mommy at Daddy ni Emeryn ay okay na, na K.O. lang sila kagabi, si Emeryn ay okay na din, nagulat lang ang mga magulang niya na Violet na ang buhok at mata niya.

Lagi na din nagkakatinginan si Aero at Emeryn tapos ay biglang maiilang, GRABE SANAOL!

Joke lang ayoko ng jowa, mahirap na no.

Noong matapos ay nag-paalam na kami at nagyakapan ang pamilya, nakipag-shake hands lang si Aero sa mga magulang ni Emeryn bago kami sumakay sa Van.

"Bibisitahin muna natin ang Parents ni Mr. Refrendo" Sabi ni Talonn na nakaupo sa passenger's seat.

"Okay" banggit ng lalaking naka suit at sunglasses.

Agad na natagpuan ng Lalaki ang lugar nila Aero, grabe Location Magic kaya ang powers nito?

Nakarating kami doon, nagpasama si Aero, bumaba ako at sinabi kong bumaba na din si Emeryn kaya sumang-ayon na lang sila.

Pag-pasok sa napakasimpleng bahay nila Aero ay agad siyang sinalubong ng Mommy at Daddy niya at dalawa niyang Ate.

"Ano na! Musta ang School?" Tanong ni Mr. Refrendo.

Pinapaalam lang sa magulang na Magic School ang pinapasukan kung nakita na nilang gumamit ng mahika ang anak nila, sa kaso namin ni Aero, hindi nila alam na isang kakaibang school ang pinapasukan namin.

"O-Okay lang po" nahihiyang sabi ni Aero.

"Emeryn!!" Hiyaw ng Daddy niya at agad na nag-mano si Emeryn at natuwa lang ang Daddy niya.

"Oy! May jowa na agad si Bunso!" Hiyaw ng Ate niya.

"Wala pa ako Jowa!" Singhal niya sa Ate niya.

"Malapit na" sabi ng isa niyang Ate at kumindat pa na kinainis ni Aero.

"Aalis na din po kami agad, nadyan lang aa labas ang sundo namin, gusto ko lang sana na mahagilap kayo kung okay lang kayong lahat" sabi ni Aero, niyakap lang siya ng Mommy niya.

Pag nakikita ko ang ganitong scenario, gustong gusto ko din itong maramdaman, ang yakap ng Isang Ina, ang pagiging proud ng Isang Ama, pero never ko itong naranasan at mukhang hindi ko na ito mararanasan pa.

Nag-paalam din kami agad kela Tita at Tito.

Sumakay kami ng Van at bumyahe, nasa may bandang pangalawang row kami, nasa may bintana si Emeryn (kaliwa), si Aero naman ay nasa gitna at ako ang nasa may isa pang bintana (kanan).

Crystal Academy: The Lost Prince Of AltheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon