Chapter 29 : Breakings

2.4K 50 1
                                    

(Edited)

Raine

Nagising ako ng may mga gapos sa katawan at nakahiga sa isang puting kuwarto.

Bigla naman pumasok si Ivy at Headmistress.

"Raine!" Tawag nilang dalawa sa akin.

Hindi ako nag-salita.

Naaalala ko ang lahat ng nangyari sa akin.

Ang nangyari sa Open Field at ang nangyari kela Tita.

"Raine mas lalo kang nasuspend s---

"Pero sila hindi sila masususpend?" Agad kong tanong.

"Raine... Patay na si Flynn dahil sa pagkalunod at pinasukan mo siya ng Dark Water Essence mo kaya hindi na siya narevive, si Elias nag-papagaling malayo dito at ididiretso sa Kulungan at si Faulle ay nasa kulungan na" sabi ni Ivy sa akin.

Sa pag-kakarinig ko ng mga nangyari ay hindi ako nasatisfied.

"KULONG?! ANONG KULONG, NILOLOKO NIYO BA AKO?!" Hiyaw ko at pumiglas ako at bigla naman lumitaw sa gilid ko ang mga tentacles at agad akong pinakawalan sa pagkakagapos.

Umupo lang ako sinubukang kumalma.

"Pinatay nila ang mga tumayong magulang ko!! ANG HINDI KO MAINTINDIHAN AY ITINAGO PA SA AKIN NG ROYALS IYON!!" Hiyaw ko ulit at naluha na ako.

"Mga nakakasama ko tapos... Alam nila kung sino ang pumatay sa kanila samantalang.... AHHHH!!!" Hiyaw ko.

"Raine huminahon ka please" sabi sa akin ni Ivy at tumabi sa akin at hinawakan ako sa kamay kaya napatingin lang ako sa kanya.

"Ang alam ng Royals ay pinatay nila Flynn ang Tita tsaka Tito mo dahil nilalason nila ang utak mo, ang akala naman nila ay madedepress ka lalo kaya naman hindi na nila aga---

"Kahit anong pang rason nan patuloy kong hindi maiintindihan!!" Hiyaw ko at tumayo na.

"Headmistress..." Tawag ko.

"Gusto ko malipat ng Dorm." Sabi ko.

"Pe-Pero Raine---

"Please lang po, kung hindi ako makakalipat hindi na lang ako mag-aaral pa dito" sabi ko at tinignan siya.

"Ivy... Okay lang ba kung sa inyo ko na muna ililipat si Raine" sabi ni Headmistress.

"O-Opo!" Gulat na sabi ni Ivy.

"Kaya mo na ba mag-lakad talaga Raine?" Tanong aa akin ni Headmistress at tumango lang ako.

Nararamdaman kong may nangyari sa aking kakaiba.

Para bang may nawasak.

"Raine, suspended ka din ng ---

"Ok" sabi ko lang at lumabas na.

Hinabol ako agad ni Ivy.

"Kukunin ko lang ang gamit ko sa Dorm ko, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ko kay Ivy.

Crystal Academy: The Lost Prince Of AltheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon