Chapter 28 : Revealed

2.4K 55 0
                                    

(Edited)

Raine

Natuwa naman lahat ng students sa pag-balik noon ni Headmistress, siyempre lalo na kami.

Ang napapansin ko ngayon ay may mga ilang na tao kapag nasa paligid ako.

As in hindi sila mapakali bigla o kaya aalis sila sa loob ng kuwarto or lugar kung nasaan ako.

Mas pinapatunayan lang nila na guilty sila sa ginawa nila sa akin noong nakaraan.

Pero binabaliwala ko lang muna ito at hinuhuli sila sa akto.

"Raine!!" Tawag sa akin nila Zero.

"Oh?" Walang ka emo emosyon kong reply.

"Mag-ttraining kaming lahat sa may Open Field, sama ka?" Tanong ni Jay na nasa likod ni Zero.

Nandoon na din siguro si Lucas at Aero, lumabas kasi sila eh.

"Ok" sabi ko at natuwa naman ang dalawa.

"Sino naman nakaisip na mag-training tayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Sila Flynn" nanlaki ang mata ko.

"Ah ganun ba" sabi ko at tumango.

Nag-lakad kami at mga nakapang training gear silang lahat maliban sa aming tatlo.

"Oy Raine! Buti sumama ka" sabi sa akin ni Flynn.

"Ah oo HAHA" medyo awkward kong sabi at binigyan nila ako ng Training Disc.

Nilagay ko ito sa dibdib ko at nabalot na din ako ng itim na kasuotan na may Blue na linings.

"Sino muna?" Tanong ni Zero.

"Tayo MUNA!!" Agad na dinaganan ni Jay si Zero at binuhat tsaka niya ito hinagis sa gitna.

NAPAKALAKAS NAMAN NIYA!

"Flaming balls!!" Hiyaw ni Jay at agad na nag-co jure ng mga umaapoy na bola at agad na tumakbo habang binabato ang mga bola niya.

"Compressed Shield" sabi naman ni Zero at nabalot siya sa isang Bubble at nag-rereflect lang ang Fire Balls ni Jay.

"Spear of the Sun!" Hiyaw ni Jay at tumalon ng mataas at binato ng malakas ang Umaapoy niyang spear na nag-pabutas sa shield ni Zero at nabasag na ito ng tuluyan.

Bigla naman nag-hover si Zero ta agd pinagdikit ang dalawang palad.

"Force Tornado!" Hiyaw niya at sa mga dulo ng daliri niya at nagkaroong ng mga maliliit na tornafo na naging isang buong malaking tornado.

"Gravitational Pull!!" Hiyaw ni Zero at agad na tumakbo si Jay dahil hinahatak na siya nung hangin.

"Tch!! Fiery Breath!!" Hiyaw niya at nagform siya ng O gamit ang kamay niya at hinipan niya iyon at pag-hipan niya at nag-buga siya ng malakas at makapal na apoy.

Sa sobrang kapal ay nabalot sa apoy ang ginawang tornado ni Zero ata agad niya itong tinapon palayo at unting unti nawala ang tornado nila.

Crystal Academy: The Lost Prince Of AltheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon