Chapter 1 : Meet Raine

12.1K 174 8
                                    

(Edited)

"Raine! Jusko kang bata ka bumaba ka na!!" Hiyaw ni Tita sa baba.

Agad akong bumangon at napakamot sa ulo.

"Raine!" Hiyaw niya ulit, tumayo ako agad at tumakbo sa may pinto para humiyaw pabalik sa baba.

Pagbukas ko ay kakatok na dapat si Tita, napapikit ako ng tumama ang kamao niya sa may baba ko, ang tangkad ko kasi.

"Baba na po ako" mahina kong sabi, she just raised a brow at napailing.

"Dalian mo na lang" sabi niya at bumaba na, may mga curlers pa siya sa buhok, maputi si Tita, maganda din siya at may Hazelnut Brown na hair at mata.

Napatingin ako kay Tito sa baba, nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

"Dalian mo na oy! Lalamig ang pandesal!" Hiyaw pa ni Tita, agad akong pumasok ulit at kumuha ng damit. Naligo ako sa may banyo dito sa kuwarto ko at agad na nagbihis ng pang pasok.

Isinukbit ko na ang bag ko at bumaba na, nakita ko si Manang Rita na pumasok dito sa dining area, She just smiled at me and greeted me.

"Good Morning ihjo" bati niya, nag bow lang ako.

"Good Morning din po" sabi ni Manang, naupo agad ako sa table, binake ata ni Tita ang mga pandesal, she said that she studied pastries, cooking, etc.

Si Tito naman ay isang magaling na Company Manager.

Nilapag ni Manang ang Plato na may bacon, eggs, at hotdog.

Kinuha ko ang maiinit na pandesal na nasa may table namin, binuklat ko ang pandesal at nagpalaman ng bacon na binalot ko sa itlog.

Kumain siguro ako ng dalawa para hindi gaano magutom.

"Mauuna na kami ng tito mo Raine, ihahatid pa ako ng tito mo sa shop at may pasok din siya" sabi ni Tita at inayos ang necktie ni Tito, My uncle wore a Black Suit with gray stripes, sinuot naman ni Tita sa kanya ang Red tie niya na may Black Stripes.

Humalik na sa noo ko si Tita at sumaludo lang sa akin si Tito.

"Wag na wag ka magcucutting Veltroid! Sinasabi ko sayo" sabi ni Tita bago sila pagbuksan ng Guard sa pinto atsaka sila umalis.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kay Manang para alam niyang aalis na ako.

Sumakay lang ako ng jeep papuntang School, ilang minutes lang ay nakarating na din ako sa Gate namin, agad akong sumimangot ng makita ang Guard na nakangiti pa sa akin.

"He're we go again" bulong ko sa sarili ko.

"Late ka nanaman Android!" Kantyaw ng Guard.

Inirapan ko lang siya, he's mocking my Surname, sa susunod talaga irereport ko to eh.

Habang naglalakad sa Hallway, nanlaki p ang mata ko saglit bago ako napairap sa hangin, nakita ko kasi ang lalaking napakatanda na pero nambubully pa din.

Prince Courtdaill, isa sa mga mayayamang pamilya dito, marami siyang kakilala at marami ding naiinis sa kanya, Why? Cause he's  a jerk.

Iikot na sana ako para makaiwas ng biglang sumigaw na siya sa may dulo ng hallway, he was stepping on a freshmen, may galos na ito sa pisngi at madumi na ang Uniform

"Hey Weirdo!" Hiyaw niya, sinipa niya na lang ang bagihan at pumunta agad sa akin, napahinga na lang ako ng malalim at humarap sa kanya.

"What?" Medyo naiirta kong sabi sa kanya.

Kasama niya ang tatlong lalaking kaibigan niya.

"Nothing you idiot shit!" Hiyaw niya at itinulak niya ang noo ko dahilan para mapaatras ako.

Crystal Academy: The Lost Prince Of AltheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon