Hello! Ako si TheCatWhoDoesntMeow at pinasinayaan ko ang Writing War Project, isang writing contest na exclusive dito sa wattpad.
Sa mga panahong ito, April 2017, ay unang season pa lamang ng WWP. Ang aklat na ito ay kalipunan ng mga akdang nagtatagisan sa pagsulat ng isang maikling kuwento.
Narito ang mga hinihingi sa mga nasa paligsahan:
- Isang orihinal na maikling kuwento na may habang 2,000 - 5,000 na salita.
- Ang maikling kuwento ay dapat na may dalawang genre: isang pangunahin at isang sekondarya.
- Anumang genre ay maaaring gamitin.
- Anumang POV ay maaaring gamitin.
- Anumang ideya o tema ay maaaring gamitin.
- Filipino o TagLish lamang ang tatanggapin.
• HINDI kinakailangang umabot sa 5,000 salita ang isang kuwento. Mas maikli pero mas malinaw ang kuwento, mas mataas ang grado.
MGA DAPAT TANDAAN:
Sa word count:
HINDI PAHABAAN O PARAMIHAN NG SALITA ANG LABANAN, kundi kaeksaktuhan o precision.
HINDI kinakailangan na umabot sa eksaktong 5,000 ang salita sa loob ng maikling kuwento basta at hindi bababa sa 2,000 ang minimum.Sa madaling salita, kailangang timplahin ang pagsulat sa akda sa paraang walang lalabis at wala rin namang kukulang.
Sa genre:
Anumang genre ay maaaring gamitin ngunit may isa dapat na nangingibabaw.
Tulad sa Short Novel ng WWP, bibigyan ng grado ang mga akda base sa mastery sa genre na pinili ng mga manunulat. Kung baguhan sa genre na isusulat, makabubuting aralin at saliksihing mabuti ang genre upang hindi magkamali. Basahin nang ilang ulit ang akda bago ipasa.
Sa POV:
Anumang POV ay maaaring gamitin ngunit tandaan na may binabagayan ang bawat POV. Gumamit man ng ikalawang panauhang punto de vista (2nd person POV) na notorious na madaling makapanlinlang sa galing ng isang manunulat, kung hindi ito nababagay sa isinusulat, hindi ito makatutulong sa puntos.
Bagaman nakatutulong sa mga contest ang i-impress ang mga judges, mas nakakukuha ng puntos ang mga akdang may puso, nakaaantig, nakawiwili, at naisulat nang may linaw, linis, at sining.
Sa tema at ideya:
Anumang tema at ideya ay maaaring gamitin sa akda. Ngunit tandaan na bawat genre ay may cliche na structure at porma. Gaano man kaganda ang isang ideya, kung hindi ito maisusulat at maide-deliver nang maayos, hindi ito makatutulong upang magkaroon ng magandang puntos.
Mula sa mga pangangailangang ito, ang mga akda ay susukatin sa mga sumusunod na criteria:
Originality - 25%
Writing style - 20%
Mastery of the genre - 20%
Readability - 20%
Impact - 15%TOTAL - 100%
IISA ang akda na magkakamit ng karangalan ngunit lahat ng akdang aabot sa passing rate ay maaaring isama sa ilalathalang antolohiya ng WWP.
Mula rito, tunghayan natin ang mga akdang nasa paligsahan! ^___^
BINABASA MO ANG
WW1 Short Story Contest Entries
Short StoryKoleksyon ng maiikling kuwentong nagtatagisan para sa Writing War One Short Story Contest.