(11) Starlight

255 8 10
                                    

***

Ano yun? Bakit parang umiilaw?

Naningkit ang mga mata ni Yeron habang nakatingala. May hindi maipaliwanag na bagay sa kalangitan ang kumikislap at tila pabagsak na ito.

Hindi kaya shooting star?!

Imbis na pumikit at humiling na ay napatanga siya rito. Nabighani siya sa itsura nito. Asul, pula at dilaw ang kulay na bumabalot dito. Matitingkad at tila nang-aakit. Wala sa sariling kumilos ang mga paa ng binata para sundan ang papabagsak na bulalakaw.

Sa mapunong bahagi ng kanilang pook ang tinatahak ng bulalakaw. Napabilis ang pagtakbo ni Yeron, nais itong makita ng malapitan.

Isang malakas na kalabog ang kanyang narinig kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata dahil sa labis na liwanag.

Sa pagdilat ni Yeron ay sinanay niya ang mata sa dilim na namamayani sa paligid, wala na ang nakabubulag na liwanag. Inilibot niya ang paningin upang hanapin ang nahulog na bituin.

Napaatras siya ng bahagya nang may masilayang nilalang na tila kumikinang. Humarap ito sa gawi niya. Isang binibini. Anong ginagawa niya sa ganitong kadilim na lugar? sa isip niya.

Sa kanyang pagkurap ay biglang nawala ang pagkinang nito. Bigla itong napaupo sa lupa kaya mabilis itong dinaluhan ni Yeron.

"Miss ayos ka lang ba?" tanong niya ng makalapit dito. Tinignan siya ng dalaga.

"Anong ginagawa mo rito? Ang dilim ah. Hindi ka ba natatakot?" muling tanong ni Yeron na sinuklian ng malalalim na titig ng ligaw na Eba.

"Pipi ba siya?" sa isip na tanong niya. Winasiwas niya ang kamay sa harap nito. Sinubukan niyang magsign language pero nagmumukha lang siyang tanga dahil wala namang reakyong ibinibigay ang babae.

"Hindi kaya baliw ka?" naisantinig niya habang nagkakamot ng ulo.

Napamulagat si Yeron nang bigla siyang yakapin ng babae. Nakasandig ang ulo nito sa kanyang dibdib habang nakapulupot ang munti itong braso sa kanyang bewang.

Bago pa man siya makakilos ay inalis na nito ang pagkakakapit sa kanya. Nakangiti itong tumingin sa kanya.

"S-salamat. Ayos na-naman ako. Hindi ko lamang magalaw ang aking mga b-binti. Bakit kaya?" wika nito sa malamyos na tinig na bahagyang nauutal.

"Good. Alis na ako."

Nagmamadaling tumayo si Yeron pero hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay.

"P-pwede ba akong sumama sayo? Tutal, ikaw naman ang nakatagpo sa akin."

Sandaling nakipagtitigan si Yeron sa dalaga. Nagtatalo ang kanyang puso at isipan. Maya-maya pa'y pinangko niya ang dalaga. Hindi naman niya ito maaring iwan sa ganitong klaseng lugar.

Inilapag niya ang dalaga sa bench na nakita. Naupo siya sa tabi nito. Sa tulong ng ilaw ng poste, mas nasilayan ni Yeron ang itsura ng dalaga.

Maamo at maganda ang mukhang taglay nito. Kasingdilim ng gabi ang tuwid nitong buhok.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita," pagbabasag niya sa katahimikan.

Bumaling sa kanya ang dalaga at umiling. "Hindi pa ako makakabalik sa amin. Hindi ko pa nagagawa ang aking tungkulin."

"Tungkuling ano?" naguguluhang tanong ni Yeron.

"Pakinggan ang hiling ng isang tulad mo," nakangiti maging ang mga mata nito.

"Tulad ko? Bakit, iba ka sa akin?" nakatawang pakikisakay niya rito.

"Oo. Isa kang mortal di ba?"

WW1 Short Story Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon