(1) Stronghold

934 13 12
                                    

***

Pumailanlang sa loob ng kanilang tahanan ang mga makabagong tugtuging ngayon lang niya halos narinig, kaya naman pakiramdam niya ay nakapagpaparindi lang ito sa pandinig. Dumadagundong sa dibdib niya ang bawat ritmo nito. Nakapagdudulot pang lalo ito ng kaguluhan sa isip habang ang bawat bigkas ng salita sa loob ng awitin ay nakapagpapapintig ng sintido.

Isang masayang okasyon ang dapat niyang ipinagdiriwang ngayong araw. Ngunit, paano nga ba niya gagawin iyon? Paano nga ba siya tatawa na walang ibang iniisip kundi ang mga sandaling nasa harap lang niya? Paano niya magagawang ngumiti kung sa bawat kibot ng labi niya ay may mga alaala siya na laging nababalikan?

"Blaze, tigilan mo na ang pagkalikot 'dyan sa Buster na 'yan. Kanina pa namin naririnig ang pagtahol niyan! Ang ingay kaya, saka hindi na namin marinig 'yung sounds," angal nito.

Nakatingin lang si Blaze sa ate niya na hindi kakakitaan ng ano mang emosyon.

"Pwede bang ipirmi mo muna 'yan sa isang tabi kaysa pinalalakad at pinapatakbo mo? Nakakaabala na kasi 'yan sa mga bisita. Inimbitahan natin sila para icelebrate 'tong debut mo kaya sana lang sila ang asikasuhin mo," mahabang litanya ng ate niya habang naiirita at hinihila siya papunta sa hapag-kainan.

"Abala na lang pala sayo ngayon si Buster Ate," bulong na hindi niya alam kung narinig ba nito.

Nahirapan tuloy siya na maihakbang ang mga paa niya sumabay pa ang lalong pagbigat ng pakiramdam niya.

Mahirap pa rin para kay Blaze na tanggapin ang lahat dahil sa loob ng labintatlong taong dumadating ang mga ganitong pagkakataon, isang natatanging nilalang lang ang kasa-kasama niya,

si Buster.

Tiningnan ni Blaze ang anyo ni Buster. Hindi ito gumagalaw, walang buhay ang mga mata, hindi kumakawag ang mga buntot, lalong hindi tumatahol sa mga estrangherong nasa paligid nito. Hindi kikilos hangga't hindi minamaneobra ang buton upang ito ay magsimulang umaktong parang isang buhay. Malayong malayo sa alaalang naiwan nito sa kanya.

Si Buster na kasakasama niyang kumakain, umaga, tanghali man o gabi. Makikita niya sa ilalim ng lamesa gamit ang maliit na platong pinaglalagyan din ng mga pagkaing parehas ng sa kanya.

Nanikip ang dibdib niya sa isiping iyon dahil na rin sa kawalan ng pagkakataong maibalik ang nakalipas. Idagdag pa ang kirot na naramdaman niya sa gilid ng mga mata niya sa harap ng mga taong masasayang nagkukwentuhan na animo walang problema sa kanilang mundo.

"Saan ka na nagtatrabaho ngayon?" narinig niyang tanong ni Eds sa dulo ng lamesa.

"Kamusta na kayo ng girlfriend mo?" si Joan sa katabi niyang si Rax.

"Mahirap ba ang IT works?" baling ni Trist sa kausap niyang si Sid.

"Kamusta bakasyon? Nakita ko sa social media account mo, galing ka palang Palawan," usapan ni Kitt at Garry sa gilid.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Naulanigan niyang kwentuhan ng dalawa pa niyang kaklase sa harap.

Ni isa sa kanila ay walang nakaalalang tanungin si Blaze sa mga bagay-bagay na ginagawa niya. Walang nakaisip na kamustahin siya matapos nilang malaman na namatay na ang alaga niyang si Buster. Walang nakaramdam na hindi siya okay, na may pinagdadaanan siya. Walang nagpakita ng pagmamalasakit kahit sino man sa kanila, kahit pa hilaw lang.

"Bakit pa kasi sila pumunta dito?" tanong niya sa ate niya sa mababa lang na boses.

"Unang-una dahil birthday mo saka blockmate mo sila 'nung college ka. Isa pa, may mahaba na kayong pinagsamahan na alam kong hindi mo basta makakalimutan, kaya 'yun, sila ang naisip naming imbitahan nila mama at papa."

WW1 Short Story Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon