***
Nagkalat ang mga bukas na karton sa kuwarto ni Zach. Maalikabok pa ang kuwarto, ang tanging malinis lang ay ang kamang nasa pinaka sulok.
Wala man ganang mag-ayos ng gamit ay wala siyang nagawa.
Sinimulan niyang maglinis para mabilis matapos at makapagpahinga na mula sa mahabang biyahe.
Sa kalagitnaan ng pag-aayos, may nasagi siyang isang kahon, hindi sinasadyang matapon ang laman niyon.
Parisukat na kulay pula at may nakaukit pang bulaklak sa buong kahon. Sigurado na sana siyang hindi kanya 'yon, kung hindi lang niya nakita ang mga litratong blangko, na siguradong hindi rin pagmamay-ari ng sino man sa pamilya.
Pinulot niya ang isa sa mga litrato para titigan at masigurong mero'ng imahe sa loob nito. Hindi nga siya nagkamali. Unti-unti ay nagkaroon ng kulay sa loob.
Pero hindi niya inaasahang parang isang sayaw na kusang gumalaw ang mga imahe. Lumaki ang mata niya, kasabay ng pagliwanag ng buong kapaligiran, ilaw na nagmula sa imahe. Umikot nang umikot ang buong mundo kasabay ng paghigop sa kanya sa loob ng litrato.
"Salamat sa pagsama mo sa'kin dito," sabi ng babae. "Ako nga pala si Tanya. Salamat sa pagtulong mo sa'kin nung nakaraang linggo."
Lumingon itong nakangiti. Nasisinagan ng papalubog na araw ang mukha. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok nitong mahaba.
Bumaling na lang siya sa gitna ng magkahiwalay na bundok sa kawalan ng sasabihin.
Napakataas ng tulay na kinatatayuan nila, banayad na gumagalaw. Sa ilalim, maririnig ang mahinang lagaslas ng tubig.
"Bakit mo ko dinala rito? Pwede namang sa school ka na lang magpasalamat," hindi napigilang bulalas niya.
"Ang ganda talaga ng papalubog na araw," sabi ni Tanya habang nakataas ang dalawang kaway, halatang umiiwas sa tanong niya.
Pinabayaan niya na lang ang pag-iwas nito at nagkomento na lang.
"Mas maganda ang papasikat na araw, maaliwalas, nag-aagaw ang liwanag sa dilim."
"Okay lang," hinawi nito ang buhok at umanggulo. "Maganda naman ako."
Nagpigil siya ng ngiti. Pero hindi tagumpay. Sumilay ang pigil niyang ngiti at narinig ang malutong niyang halakhak. Natawa rin ito sa sarili.
Naiiling, ibinalik nito ulit ang tingin sa langit, mas malaki ang ngiting nakapaskil sa maamo nitong mukha.
Napakaganda nga, mas maganda sa papalubog at pagsilay ng araw.
Nagliwanag ang buong paligid kasabay ng mabilis na paghigop sa kanya papunta sa kasalukuyan.
Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga. Nayukom niya ang tela sa dibdib habang naghahabol ng hininga.
'Anong nangyari?' tanong niya sa sarili. 'Tanya... sino ka ba talaga?'
Nahihiwagaan siya sa nangyari kanina, kaya kumuha siya muli ng isang litrato, ang litratong wala pang imahe. Katulad ng nangyari kanina, muli siyang hinigop ng litrato papunta sa isang palabas na siya ang bida.
"W-wait," hinawakan siya ni Tanya sa braso. "Anong gagawin mo? Baliw ka na ba?" Nanlalaki ang mata nito sa kaba. Lumingon-lingon pa ito para masigurong walang tao sa paligid nila. "Baka may makakita sa'yo at isumbong ka!"
Tumaas ang gilid ng labi niya. Amusement danced in his eyes. Ang cute pala nitong mataranta.
Pinisil niya ang pisngi nito at nginitian. "Walang masamang mangyayari sa'kin. Kung may makakita man sa gagawin ko, baka tulungan pa nila ako."
BINABASA MO ANG
WW1 Short Story Contest Entries
Короткі історіїKoleksyon ng maiikling kuwentong nagtatagisan para sa Writing War One Short Story Contest.