***
"Zeb!" Patakbong lumapit siya sa lalaking matagal na niyang minamahal. Niyakap niya ito nang sobrang higpit kasabay nang paghalik niya sa mapupulang labi nito. Kinulong naman siya nito sa kaniyang bisig kasabay ng pagbuhat sa kaniya habang iniikot na animo'y batang paslit
"I miss you." Pagsusumamo niya.
"I miss you more." Hinawakan nito ang kaniyang kaliwang pisngi na may nagtatalong pangungulila at pananabik, "Macy." At ito naman ang humalik sa kaniya.
Kinamusta niya ang nobyo at nagkuwento siya tungkol sa mga karanasan ng isang linggong hindi nila kasama ang isa't isa. May kalokohan siyang kinukwento at ganoon rin ang lalaki. Nagtatawanan sila habang kumakain ng kwek-kwek at isaw sa kalsada.
Kuntento na sila sa ganoong pagkain sa tuwing magkikita sila sa araw ng linggo. Bukod kasi sa walang badyet ang kaniyang nobyo para sa pang-date nila ay malayo sila sa isa't isa. Magkaibang paaralan ang pinapasukan nila at isang araw lang ang nakalaang oras para sa pagpapatibay ng kanilang relasyon.
"Macy."
Lumingon siya nang tawagin siya nito, "Zeb?"
"May ibibigay pala ako sa 'yo." Tumalikod ito at may kinuha sa bulsa. "May nakita kasi akong kwintas sa may bayan. Bulaklak ang disenyo kaya alam kong magugustuhan mo. Tumalikod ka at isusuot ko ito sa 'yo."
Gaya ng sinabi nito ay tumalikod siya para maisuot sa kaniya ang kwintas. Nang nasa leeg na niya ito, hinawakan niya iyon na halatang masayang-masaya.
"Salamat, Zeb. Napasaya mo ako dito."
"Lahat gagawin ko para sa 'yo, aking sinta. Kahit mahirap lang ako, nagsisikap ako para mapantayan ka at maging karapat-dapat para sa mga magulang mo."
Binigyan niya ito ng naniniguradong ngiti at kinapitan niya ang kamay nito. "Mahal kita. Sapat ng dahilan iyon para maging karapat-dapat ka." Ang sinambit niyang mga salita na alam niyang makakapag-panatag sa loob nito.
Lumapat ang isang napakaganda at inosenteng ngiti sa labi ng kaniyang nobyo. "Salamat, Macy. Mahal na mahal kita. Pangako, hanggang sa aking huling hininga, ipaglalaban kita."
"Mas mahal kita at mas ipaglalaban kita." Ang pabirong banat niya pabalik.
Simple lang ang relasyon nila pero alam niyang matatag sila. Pareho silang nag-aaral nang mabuti para sa kanilang kinabukasan. Marami silang pangarap para sa kanilanbg dalawa.
Nagpaalam na sila sa isa't isa matapos nang kaunti pang lambingan at kulitan.
Nang makauwi na siya sa kanilang bahay ay bumungad agad ang kaniyang Ama. "Pumunta kanina dito si Lux. Hinahanap ka. May ibinigay na mga regalo. Saan ka na naman ba nagpunta? Nakipagkita ka na naman sa hampaslupa mong lalaki?"
Nagkuyom ang kaniyang mga palad. Naiinis siya tuwing isusumbat sa kaniya ang nobyo niya.
Tumayo ito, inikutan siya at pumunta sa kaniyang likuran. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo na akitin mo nalang si Lux."
Nagtaasan ang mga balahibo niya nang ibulong nito iyon.
"Ayoko." Madiin niyang sambit rito.
Ikinapit nito ang dalawang kamay sa magkabilang braso niya. "Macy. Matagal na natin 'tong pinag-usapan 'di ba? Bakit ngayon umaayaw ka na?" Kahit mahinahon ang boses nito ay ramdam niya ang diin sa bawat salita nito.
Sinumbatan niya ito ng tingin. "Akala mo ba madali lang 'yun? Hindi ko kaya!"
Sa kaniyang sinabi ay alam niyang lalong didiin ang pananalita nito. "Aakitin mo lang siya! At kung gusto niyang may mangyari sa inyo, pagbigyan mo! Gawin mo lahat para lang malikom mo ang pera niya!"
BINABASA MO ANG
WW1 Short Story Contest Entries
Krótkie OpowiadaniaKoleksyon ng maiikling kuwentong nagtatagisan para sa Writing War One Short Story Contest.