(15) Bigti

441 12 18
                                    

***

Nanlaki ang mga mata ng binatilyo nang makita ang sariling repleksyon. Hindi siya nakakilos nang matagal. Nakabuka lang ang bibig at nanginginig ang kanyang mga labi.

Kumurap ang kanyang repleksyon dahilan upang mapalunok siya. Ngumisi ang nilalang na nasa kabila ng salamin at kasabay niyon ay unti-unti nitong itinaas ang kamay. May hawak itong lubid.

Nang maramdaman niyang kaya na niyang igalaw ang mga paa ay tumakbo na siya at lumabas ng kanyang kuwarto. Ngunit bago siya makarating sa may hagdan, may narinig siyang sitsit.

Nilingon niya ang pinanggalingan niyon at nakita ang nilalang na nakasilip sa salamin.

Kinawayan siya nito.

Isa...

Dalawa...

...Tatlo

"Anthony, p-pinapatawag tayo ng principal sa opisina," nakayukong wika ni Rena. Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Namumutla na ito mula sa ilang araw na pagkabalisa.

Lumayo siya nang kaunti rito. "Rena, may sasabihin sana ako. Pero wag mo muna itong sasabihin sa ib..."

"Tara na, Anthony, Rena," singit ng kakalapit lang na si Dale. Sinulyapan sila nito gamit ang malamig na tingin. "Kailangan nating harapin 'to."

Sabay silang tatlong nagpunta sa opisina kung saan naghihintay ang principal, ang homeroom teacher nila, at isang mamang naka-jacket na hindi nila kilala.

Dumako ang kanyang pansin sa malaking salamin na nasa isang bahagi ng opisina. Nang makita niya ang sarili roon ay mabilis siyang tumalikod at pilit pinakalma ang kumakabog na dibdib.

"N-naglalaro lang naman po kami ng spirit of the coin no'ng ginabi kami dito sa school dahil sa practice namin sa English drama," narinig niyang sabi ni Rena nang ituon niya na ang atensyon sa pinag-uusapan. Namumuo na naman ang mga luha sa mata nito. Nilalaro lang nito ang mga puting daliri habang nakaupo sa harap ng mamang naka-jacket.

"Spirit of the coin?" nagtatakang tanong nito.

"O-opo."

"Napagkatuwaan lang namin, Sir," dagdag ni Dale. Sa kanilang tatlo, ito lang ang nakataas ang mukha. "May nagmumulto po sa bakanteng room sa tabi ng science labs. Tambakan po 'yon ng mga sirang salamin at jalousie."

Marahas ang ginawa niyang pagbaling kay Dale. Salamin...

"Sa tingin ko po doon nagsimula ang lahat."

"Sinasabi mo bang multo ang may kagagawan kung bakit dalawa sa kaibigan ninyo ang natagpuang nakabigti sa mga bahay nila at wala nang buhay?"

"T-totoo po 'yon!" pahayag ni Rena. "T-totoo po 'yon k-kasi... nagpaparamdam po 'yong multo sa akin. 'Pag nakaharap ako sa salamin, nakikita ko po siya."

Kumunot ang noo ng mama na tila nawiwirduhan sa mga naririnig.

Natagpuan niya ang sariling nagsasalita.

"A-ako rin po."

Natuon ang lahat ng atensyon sa kanya.

"Nakikita ko rin siya tulad mo, Rena. Repleksyon ko siya sa salamin. At sa tuwing nakikita ko siya, may pilit siyang ibinibigay sa 'kin."

"At ano naman 'yon?"

"Lubid." Si Dale ang sumagot. Natahimik ang buong opisina.

"Lubid?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WW1 Short Story Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon