Tinta

28 0 0
                                    

Silang mahilig magsulat,
Hirap sa harapang pagpapahayag ng nadarama.

Naisusulat, hindi naman nabibigkas.
Naisusulat, hindi naman naipadarama.
Puro lang sulat, nagmumukha nang tanga.
Puro lang sulat, siya rin lang naman ang nasasaktan.
Sulat, sulat, hindi pa ba nakakasawa?

Hindi, 'di ba?
Kaya sige, magsulat ka lang.
Magsulat ka, hayaan mong siya na ang bumigkas ng bawat salitang inalay mo sa kanya.
Magsulat ka hanggang sa madama niya.
Magsulat ka kahit pa masakit na.
Magsulat ka, dahil matamis ang magpakatanga alang-alang sa iyong nadarama.
Magsulat ka.
Magsulat ka, at pagkatapos ay tahan na.

ThoughtsWhere stories live. Discover now