Alaala

10 1 0
                                    

Ano nga ba'ng karapatan kong mainggit at ipagkait siyang hindi ko man lang magawang maipagmalaki?

Sino nga naman ako para angkinin ang mundong ikaw ang nag-alay ng bahaghari?

Paano ko masasabing akin ang mga labing ikaw ang tunay na nagpangiti?

Nararapat nga bang mas piliin akong rosas na halimuyak ay tinik sa'yong sampaguitang alay ay musikang tahimik?

Panghawakan mo sana siyang hindi ko napahalagahan.

Alaala, malaya ka na.

ThoughtsWhere stories live. Discover now