Hiling

6 0 0
                                    

Bawat pintig ng pusong ikaw ang dalangin,
Hindi ko inakalang iyong mapapansin.
Patawad, hindi ko sinadyang mahulog sa'yong lambing.
Giliw, patawad, hindi ko ninais na ika'y mahalin.

Tadhana at oras ma'y ating dayain,
Hindi sapat upang mapasaakin,
Mga kamay mong hawak pa'y ibang damdamin.
Giliw, patawad, hindi ako ang nararapat mong mahalin.

ThoughtsWhere stories live. Discover now