Si Gat Jose Rizal ay nagwikang,
Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.
Kung gayon, sila'y nararapat na pahalagahan
Para sa mabuting kinabukasan.Paano na ang kapalaran ng ating bayan,
Kung mga musmos ay hindi napangalagaan?
Ang kinabukasan ba'y mayroon pang patutunguhan,
Kung kabataa'y sa maling landas dumaraan?Kapakanan ng kabataa't musmos ay bigyang pansin,
At kanilang maayos na paglaki'y bigyang diin.
Subuking sila ay kupkupi't mahalin,
At huwag hayaang mapaligiran ng rehas na dingding.Bukas ng kabataa't mga musmos ay huwag hayaang sirain
Ng bisyo, droga, krimen, at pamilyang masuliranin.
Sila ay bigyan ng pagkakataong kasayahan sa buhay ay damhin,
Sapagkat ito ay para sa ating bayan din.
YOU ARE READING
Thoughts
PoetryThese are stanzas and poems I wrote. It's not much, but I hope you find time to read each of them. :)