Ito ay panawagan,
Ng pusong patuloy na lumalaban.
Sakaling hindi ka maniwala sa magpakailanman,
Aking susulitin bawat araw na ikaw ay nariyan.Oras man ay hindi sapat,
Upang mapatunayang damdamin ay tapat,
Giliw sana ay ituring mong nararapat
Ang pusong sa iyo ay nakalahad.Pakinggan mo giliw, sa bawat titik
Musikang ikaw ang tanging himig.
At sa bawat pintig,
Ng pusong sa iyo ay umiibig.Sa bawat kahapon at hinaharap,
Giliw, ikaw ang tanging pangarap.
Mahal kita, bulong ko sa hangin at sa alapaap.
Mahal rin kita, sambit ng mga ulap.
YOU ARE READING
Thoughts
PoetryThese are stanzas and poems I wrote. It's not much, but I hope you find time to read each of them. :)