Mahal Kita, Alam Mo Ba?

13 0 0
                                    

Lagi kang pinagmamasdan,
Alay ay pag-ibig na tunay.
Ngunit tila ba,
Hindi mo alam.

Mahal kita, alam mo ba?
Tuloy, nagmumukhang tanga.
Puso ay nasasaktan.
Hindi mo ba ramdam?

Lagi kang nasa isip.
Gabi-gabi kang panaginip.
Hindi maintindihan,
Ikaw lamang ang laman ng isipan.

Tunay na nadarama,
Mabibigyan ba ng pag-asa?
Hanggang kaibigan na lang ba?
Paano na ang pusong sa iyo ay laan?

Puso ay nagdurusa.
Manhid ka bang talaga?
Giliw, alam mo ba?
Mahal kita, alam mo ba?

ThoughtsWhere stories live. Discover now