Alin?

54 3 3
                                    

Araw,
Buwan,
Bituin,
Alin ang iyong mimithiin?

Niluluhuran ng mga tala,
Ganyan ang taglay mong ganda.
Marami ang naakit, humanga,
Ni isa, hindi mo nadama.

Hindi na rin nakapagtataka,
Sapagkat pagtingin nila’y hindi nagtatagal.
Mga Bituing, pansamantalang umasa,
Mga damdaming panandalian, hindi tinotohanan.

Siya ay Araw, iyong liwanag sa dilim.
Ako ay Buwan, liwanag na di mo pansin.
Sila ay mga Bituin, marami, sabay na nagniningning.
Ako, siya, sila, sino nga ba ang higit mong kakailangin.

Pinagmasdan mo siyang Araw,
At ikaw ay naakit sa ganda niyang tanglaw.
Ngunit siya nga ba ay iyo, giliw?
O ninyong sa liwanag niya ay nasilaw?

Siya ay hindi mo pag-aari.
Sa kanila ay kinailangan mong makihati.
Giliw, bakit,
Mas ninanaais mo siyang maging iyo ay hindi maari?

Napansin mo ako nang minsan, ang iyong Buwan.
Ngunit nagsawa ka hindi kalaunan.
Liwanag ko tila ay hindi sapat upang mapantayan,
Si yang Araw na itinuring mong kagandahan.

Narito ako, giliw ko.
Ako, na iyong buwan, ako na iyong-iyo.
Ako, na ikaw lamang ang laman ng puso.
Ako, na sa iyo kailanma’y hindi mapapagod.

Araw, Buwan, Bituin, sino ang iyong pipiliin?
Siyang pag-aari ng marami?
Silang panandalian ang pagtingin?
O akong  ikaw lamang ang sigaw ng damdamin?

ThoughtsWhere stories live. Discover now